• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda also says he doesn’t see himself having kids in the future.

Vice Ganda not closing his doors on entering politics

Vice Ganda also says he doesn’t see himself having kids in the future.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/25/2017 09:59 AM
Vice Ganda not closing his doors on entering politics

052517-ViceGanda_PUSH.jpg

Wala raw balak tumakbo sa pulitika sa ngayon ang sikat na komedyante at TV host na si Vice Ganda kahit may mga kumukumbinse sa kanya. Ayon sa host ng It’s Showtime, hindi raw niya nakikita ang sarili na kumakandidato sa isang posisyon sa gobyerno.

“I’m not closing my doors pero ngayon wala akong interes,” giit niya.


Patuloy pa ni Vice, “I haven’t thought of that. I don’t see myself running for a (government) position anytime soon.

“Kasi, unang-una, ini-enjoy ko yung pagiging komedyante ko at feeling ko mas appropriate siguro kung magpapatawa ako sa isang comedy show kesa magpatawa ako sa Senado.”

Okey na raw siya na nakakapagpahayag ng kanyang opinion sa mga usaping pulitika.

“May opinion ako once in a while, magbibigay ako kasi innate sa akin yon, eh. Pero I do not see myself running for a position for now,” reaksyon pa niya.

Sa tanong ng PUSH kung nakikita ba niya ang sarili na magkakaroon din ng anak in the future katulad ng komendyante at radio host na si Ogie Diaz, napaisip bigla si Vice.

“Naku, wala po,” seryoso niyang pahayag.

“Mas matatag siya sa akin, eh. Yung ginagawa ni Ogie siya lang ang nakakagawa non. Kasi may kakayahan siya don. Ako hindi ko kaya yon. Hindi ko kayang maging ama kasi hindi ako responsable, eh.

“Makalat ako… basta. Taranta ako, eh, pag parent ka hindi puwedeng ganu’n. Kaya I do not see myself parenting, si Ogie kaya yon,” dagdag niya.

Nabanggit din ni Vice na gusto niya ring gumawa ng indie movie at subukan ang drama.

“Gusto ko nga ring gumawa ng mga indie-indie, eh. Yung talagang seryosohan, gagawa din naman ako pero not anytime soon. Hindi ko priority pero I would love to do indie.

“Siyempre, di ba minsan gusto mo rin naman na may magawang kakaiba, yung fulfilling din. Siguro gagawin ko yon pag nabagot na ako,” he said.

“Eh, ngayon kasi nag-i-enjoy pa ako sa ginagawa ko. Gusto ko munang i-maximize yung market ko at saka yung clamor nila do’n sa ibinibigay kong produkto,” pagtatapos ni Vice.