• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: ER Ejercito reveals what he told his sons before they joined showbiz

EXCLUSIVE: ER Ejercito reveals what he told his sons before they joined showbiz

ER Ejercito talks to his sons about carrying on the Ejercito legacy.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/25/2017 9:40 AM
EXCLUSIVE: ER Ejercito reveals what he told his sons before they joined showbiz


052517-EREJercito_PUSH.jpg

“Kahit anong ginagawa mo, short film o pelikula, kailangan always autograph your work with quality.”

“You have to do the right things and make the right decisions. Dapat walang tatapakang ibang tao, low profile, humble, di ba? Saka dapat ingatan ang pangalan.”

Ito ang mga advice ng dating gobernador ng Laguna at aktor na si ER Ejercito sa kanyang mga anak na sina Eric at Jerico bago nila pasukin ang showbiz.

Sina Jerico at Eric ay pumirma ng five-year contract sa Viva Artists Agency (VAA) kamakailan lang.

Yung pagpasok ba ng mga anak niya sa showbiz ay kagustuhan niya?

“Mahilig talaga sila, eh. Bata pa sila, kagaya si Eric, nung unang ginawa ko yung Asiong Salonga noong 1990, isinama ko siya. Ito namang si Jerico, nu’ng ginawa ko yung bagong Asiong Salonga, siya yung batang Asiong Salonga, tapos batang Emilio Aguinaldo din Tapos kasama ko siya sa Muslim 357.

“So, mahilig, eh. Interesado sila bata pa lang,” katwiran niya.

Parehong tapos sa La Salle ng kolehiyo ang mga anak ni ER. Isa raw ito sa ipinakiusap niya sa mga anak.

“Yon ang importante, finish your studies. Proud ako na La Salle Greenhills graduate sila, tapos La Salle Taft graduate (sa college), meron silang fall back, may maipagmamalaki.

“Hindi kagaya ng ibang artista na hindi tapos. Ako, isa ako sa very few na naka-graduate kagaya ni Herbert Bautista. Importante yon, eh,” pagmamalaki ni ER.

Sa tingin ba niya advantage ang pagiging Ejercito nila para makilala kaagad sa showbiz sina Eric at Jerico?

“Oo. Kasi showbiz royalty na, eh. May name recall na kasi inumpisahan ni Pangulong Erap (Joseph Estrada), ng tatay ko (George Estregan), ni Jesse Ejercito na isang star builder, so hindi na rin siguro magiging mahirap.

“Saka sa nakikita ko, inborn na talaga yung mga talent nila,” sey pa niya.