Award-winning Director Gil Portes passes away at 71

Nawalan na naman ng isang magaling na director ang Philippine movie industry sa pagpanaw ni Direk Gil Portes kahapon (May 24).

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/25/2017 9:58 AM
Award-winning Director Gil Portes passes away at 71


052517-GilPortes_PUSH.jpg

Nawalan na naman ng isang magaling na director ang Philippine movie industry sa pagpanaw ni Direk Gil Portes kahapon (May 24).

Si Direk Gil, who is 71 years old, was found lifeless sa kanyang tinitirhan. As of this writing, wala pang lumalabas na autopsy report tungkol sa dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ang beteranong director ay hinangaan at nakilala sa kanyang mga award-winning films na Merika and Andrea Paano Ba Ang Maging Isang Ina? ni Nora Aunor, Miss X ni Vilma Santos, Mga Munting Tinig and Homecoming ni Alessandra De Rossi, Saranggola ni Ricky Davao, at Mulanay nina Gina Alajar and Jaclyn Jose.

Kabilang din sa kanyang mga hindi malilimutang pelikula ay ang Markova: Comfort Gay ni Dolphy, Gatas: Sa Dibdib Ng Kaaway nina Mylene Dizon and Jomari Yllana, Miguel, Michelle ni Romnick Sarmenta, at Two Funerals ng Cinemalaya na pinagbibidahan naman ni Tessie Tomas,

Nakagawa pa ng dalawang pelikula si Direk Gil bago siya binawian ng buhay. Ito ay Ang Hapis At Himagsik ni Hermano Puli noong 2016 at ang Moonlight Over Baler na ipinalabas noong February 2017.

Sasali rin dapat si Direk Gil sa 2017 Metro Manila Film Festival sa December kaya umatend siya ng producers and directors meeting sa MMDA office noong May 9. Aniya, may pelikulasiyang gagawin na ang title ay Mindanao.

Direk Gil is a Journalism graduate from the University of Santo Tomas and received a Master’s Degree in Theater from Brooklyn College, New York.