Tommy Esguerra says it’s easier for him and Miho Nishida to move on if they have no communication

The model says he no longer talks to his ex-girlfriend.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

05/24/2017 11:07 AM
Tommy Esguerra says it’s easier for him and Miho Nishida to move on if they have no communication

052417-Tomiho-PUSH.jpg

Matapos maibalitang break na ang former Pinoy Big Brother 737 housemates na sina Miho Nishida at Tommy Esguerra, kinumpirma ni Tommy na wala na silang komunikasyon. Mas mapapadali raw kasi sa kanila ang pag move on sa ganitong paraan.

“The bigger the relationship, the bigger the love you had for each other, the harder it is to move on,” kwento ng model sa ABS-CBN News


“Kailangan mo to go through the emotions. Just take your time, reinvest in yourself, spend time with family,” ani Tommy na sinabing isang proseso ang pagmu-move on. 

Sa kabila ng kanilang break-up, hindi naman siya naging bitter kay Miho at nagbigay pa ng mensahe sa kanilang supporters.

“Sa mga supporters at sa mga bahers at 'yung mga in between, I’m thankful for you guys no matter what. I wish the best for all of you, for Miho, for all of our careers and just happy 2017.”

Opisyal na naging magkasintahan ang dalawa noong December 2015 at nagsama rin sa daytime series na Langit Lupa.