• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola reveals who made her change her mind about quitting showbiz.

Jessy Mendiola admits she almost quit showbiz

Jessy Mendiola reveals who made her change her mind about quitting showbiz.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/24/2017 09:47 AM
Jessy Mendiola admits she almost quit showbiz

052417-JessyMendiola_PUSH.jpg

Sa TV Patrol, inamin ni Jessy Mendiola na ilang beses niyang in-attempt mag-quit sa showbiz.

Ikinuwento ni Jessy na nangyari ito pagkagaling niya sa bakasyon. Madalas sila ng boyfriend na si Luis Manzano sa Batangas para mag-scuba dive. At hindi inaakala ni Jessy na ang kanyang extended vacation time ay mauuwi sa desisyong mag-quit muli sa showbiz.


Pero pinigilan diumano siya ng Star Magic Head na si Johnny Manahan. “He told me parang ‘do not give up yet, you’re young and you have so much to do pa.’ Kahit nga si Luis e sinasabi sa akin na wag mag give up. It’s just you know yung feeling na you’ve been so beaten up and you just want to get away from everything. You just have to learn how rest not to quit.”

Ayon sa report, ilang beses naging target ng bashing si Jessy.

Sa ngayon, inaalagaan muna niya si Luis na nagpapagaling ng namamagang paa.