• Home
  • Fresh Scoops
  • Directors Arcin Kasiboy Belarmino and Noel Escondo were thrilled to be at Cannes International Film Festival for the first time.

EXCLUSIVE: ‘Nakaw’ directors talk about their film being shown at Cannes International Film Festival

Directors Arcin Kasiboy Belarmino and Noel Escondo were thrilled to be at Cannes International Film Festival for the first time.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/24/2017 10:47 AM
EXCLUSIVE: ‘Nakaw’ directors talk about their film being shown at Cannes International Film Festival

052417-Cannes_PUSH.jpg

Exclusive na nakipagkuwento sa atin sina directors Arcin Kasiboy Belarmino at Noel Escondo ng Pinoy short film na Nakaw na kasali sa Short Film Department ng 2017 Cannes International Film Festival.

Nandun din sina Film Development Council of the Philippines chair Liza Diño-Seguerra at Patron of La Fabrique Cinemas de I'Institut Francais 2017 Brillante Mendoza sa Philippine Night ng 70th Cannes Film Festival.


Kasama rin ang lead actors ng Nakaw na sina Angeli Bayani at Ross Pesigan sa Philippine Pavillion sa gabi para sa pinoy films.

Proud si Direk Noel na first time sa prestigious festival.

"It feels great and honored to be in Cannes. Yung experience itself is enough. Then to be with the Philippine delegation pa, nakakaproud."

Si Direk Arvin naman di pa rin makapaniwala sa narating ng kanilang proyekto.

"First time kaya surreal pa sa akin yung nangyayari pero at the same time sobrang saya na nakikita ko yung success ng pinaghirapan kong pelikula. Na nasa Cannes Film Festival na siya."

Kasama na rin nila ang award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza at iba pang film producers mula sa iba’t-ibang bansa at at kuwento ni Direk Noel, marami silang natutunan dito.

"We met Brillante Mendoza. We talked to producers and distributors from other countries. Marami kaming nalaman on how other countries market their films. Iba iba din ang process nila, it’s an eye opener."

Isang kilalang Irish filmmaker naman ang nakilala ni Direk Arvin na nagbigay ng basic film directing principles sa kanya.

"Yvonne McDevitt, isa siya sa mga director from Ireland. Ang natutunan ko sa kanya ay kung paano maging isang magaling na director sa sariling mong paraan, makisalamuha sa kapwa direktor sa buong mundo."

Overall, lumaki ang perspective ng dalawang bagong direktor sa sikat na film festival na pinuntahan nila.

"Masarap maging Pinoy dito sa Cannes because of what Brillante did. May ibang image kaagad sila at reception sa mga Filipino movies," pagtatapos ni Escondo