• Home
  • Fresh Scoops
  • Diego Loyzaga and Sofia Andres believe that the story of ‘Pusong Ligaw’ is what makes it a success.

Diego Loyzaga and Sofia Andres admit the success of ‘Pusong Ligaw’ was unexpected

Diego Loyzaga and Sofia Andres believe that the story of ‘Pusong Ligaw’ is what makes it a success.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/24/2017 11:00 AM
Diego Loyzaga and Sofia Andres admit the success of ‘Pusong Ligaw’ was unexpected

052417-SofiaDiego_PUSH.jpg

Kasabay ng katatapos lang na 25th Star Magic Anniversary sa ASAP nitong Linggo, May 21, ang 22nd Birthday ng aktor na si Diego Loyzaga. Dito masayang ibinahagi ni Diego at ang kanyang co-star na si Sofia Andres ang kanilang nararamdaman para sa mainit na pagtanggap sa kanilang teleserye na Pusong Ligaw.

Kuwento ni Sofia at Diego, malaking bagay daw sa success ng programa ang magandang samahan nila sa set.


"Yung kuwento talaga, yung story. I think I can speak on that because lahat kami pati sila Beauty (Gonzales) and sila Bianca (King) were really into the project,” panimula ni Diego.

Para naman kay Sofia, masaya siya dahil nagagamapanan niya ng maganda ang kanilang role bilang si Vida.

“Sobra ng saya po. Hindi po namin inakala na magiging maganda ang feedback ng mga viewers kaya nagpapasalamat po kami talaga.”

Dagdag pa ni Diego at Sofia na marami pang dapat abangan sa Pusong Ligaw.

“Yung mga bangayan namin! ‘Yun talaga ang dapat abangan,” pagbibiro pa ni Sofia.

“Oo nga eh! Yung mga awayan namin ni Sofia! Alam niyo naman si Vida talaga nakakuha ng pera ni Potpot,” sabi pa ni Diego.

Bukod dito, naikuwento din ni Diego na dito na muli sa Pilipinas maninirahan ang kanyang ina na si Teresa Loyzaga na matagal na niyang hinihiling.

“Nandito po kasi ako, nandito utol ko. Tapos ang nanay ko nasa Australia. Parang nahihirapan naman kami na pabalik-balik po siya. Siya rin nahihirapan e. Ngayon po nabigyan na siya ng offer na mag trabaho dito,” pahayag pa ng binata.

Sa ngayon, masaya si Diego na maayos na muli ang kanyang personal at pampublikong buhay na minsan ng sinubok ng intriga.