• Home
  • Fresh Scoops
  • Vina Morales talks about moving on from her relationship of two years.

Vina Morales says she has moved on from breakup with French businessman boyfriend

Vina Morales talks about moving on from her relationship of two years.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/23/2017 10:09 AM
Vina Morales says she has moved on from breakup with French businessman boyfriend

052317-VinaMorales_PUSH.jpg

Masaya at tila naka move on na sa pinagdaanang heartache ang singer na si Vina Morales nang nakipagkuwentuhan ito sa 25th Anniversary ng Star Magic sa ASAP noong May 21 sa Araneta Coliseum.

Kamakailan naging usap-usapan ang hiwalayan ni Vina at ng kanyang French businessman boyfriend of two years na si Marc Lambert.


Mula sa suporta at panalangin ng kanyang pamilya at mga kaibigan, unti-unti ng naka-recover si Vina.

"My heart is healed and I'm moving on, moving forward. And I know naman na I've fallen in love tapos nasaktan ako so ganon lang talaga ang buhay. And I always believe that God has somebody for me and I always think positive at naman e and alam ko na mayroon talagang para sa akin," panimula ni Vina.

Kuwento ng singer, mutual ang naging decision nila ng kanyang boyfriend na maghiwalay dahil sa mga priorities nila ngayon sa kanilang mga buhay.

"Right now it's hard to give up some things. Here I have my daughter Ceana and she's my priority and my career naman is doing well as well as my businesses so mahirap talaga mag decide right now kung ano ba talaga ang magiging situation namin dalawa. so it's better to give space from each other," paliwanag pa ni Vina.

Kuwento pa ni Vina, maraming pinagdadaanan ang mga nasa long distance relationship.

"Mahirap and I'm sure everyone can relate with this kind of situation (Long Distance Relationship) gaya ng sa amin. It's really hard to give up either some things here or to give up some things there. Kailangan kasi swak kayo e and kailangan pareho kayo ng decision sa buhay."

Ani pa ni Vina natigil man ang kanilang pag iibigan nanatili padin naman ang kanilang mabuting pagkakaibigan.

"Right now Marc and I are still good friends we still communicate. We're just giving each other space and I respect him and I wish him the best," pagtatapos na pahayag ni Vina.