Coco Martin: ‘Hindi po ako naniniwala na may kakayahan ako’

Susan Roces says she is grateful to Coco Martin.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/23/2017 09:30 AM
Coco Martin: ‘Hindi po ako naniniwala na may kakayahan ako’

052317-CocoMartin_PUSH.jpg

Sa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol, malaki diumano ang pasasalamat ni Coco Martin sa hit teleserye na pinagbibidahan niya. “Hindi ko alam na ito pala ang magiging daan para mataguyod ko ang pamilya ko. Sa pamamagaitan ng FPJ’s Ang Probinsiyano hindi lang ako gumagawa ng teleserye kundi para makapagbigay aral at gabay sa bawat Pilipino.”

Dagdag pa niya, “Ito rin po ay nagiging daan para po magkaron ulit ng oportunidad yung dati nating mga kasamahan sa industriya.”


Sinabi ito ni Coco nang tanggapin niya ang award bilang Best Drama Actor na iginawad ng Golden Dove Awards para sa paganap niya sa FPJ’s Ang Probinsiyano. Ayon kay Coco, ang tingin niya sa kanyang trabaho ay isang “malaking raket lang.” “Kasi po hindi po ako naniniwala na may kakayahan ako. Hindi po ako marunong kumanta, hindi po ako marunong sumayaw at wala po akong alam sa pag-arte. Hindi rin po ako katangkaran, isa lang po akong normal na tao. Hindi kagwapuhan.”

Malaki naman ang pasasamalamat ni Susan Roces kay Coco sa pagbuhay nito sa ‘90s movie ng kanyang asawa at yumaong artista na si Fernando Poe Junior. “Yan ay personal choice ni Coco. At nagpapasalamat ako dahil iniingatan niya talaga na mapaganda. Marahil nakatanaw si FPJ at tuwang-tuwa din.”