Vickie Rushton inunfollow si Jason Abalos sa Instagram?

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

5/22/2017 11:12 AM
Vickie Rushton inunfollow si Jason Abalos sa Instagram?


052217-Vickie2_POTD.jpg

Matapos kumalat ang isang post ng isang female netizen na siya raw ay binastos di umano ni Jason Abalos sa text at nag-cheat daw ang aktor sa kanyang girlfriend na si Vickie Rushton, marami ang bumisita sa account ni Vickie sa Instagram.

Read: Netizen accuses Jason Abalos of alleged indecency

Si Vickie ay dating housemate sa Pinoy Big Brother: All In kung saan tinanghal si Daniel Matsunaga na big winner.

Nagtataka ang iba dahil naka-unfollow na si Vickie sa Instagram account ni Jason na “@thejasonabalos” samantalang naka-follow pa rin naman ang aktor sa account niya.

Hindi pa nagsasalita si Jason tungkol sa isyu.