Coleen Garcia gets a “stressful encounter” with alleged “lunatic” ex-cop

The said former police scratched Coleen’s face too.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

05/22/2017 11:18 AM
Coleen Garcia gets a “stressful encounter” with alleged “lunatic” ex-cop

Ikinuwento ni Coleen Garcia sa kanyang Facebook account ang isang eksenang ikinagulat niya habang nasa loob sila ng sasakyan ng kanyang driver.

“I just had a very stressful encounter with a lunatic here in BGC. He stopped right in front of our car, so my driver stopped right away at nadikitan namin siya (no damages at all btw, we barely even touched his car) and then the man came down, started shouting at my driver, saying "PULIS AKO!!!"” kwento ni Coleen.

Sinubukan umano ng pulis saktan ang driver ni Coleen kahit naging magalang daw ang kanyang driver. Binuksan naman daw ng aktres ang kanyang van at tinanong anong problema at siya naman daw ang sinubukang saktan ng pulis.


“I opened the van's door and asked the man what his problem was and he literally attacked me and SCRATCHED MY FACE. As in he reached both his hands out and scratched my face, trying to grab me and pull me out so that he could beat me up, too!”

Nalungkot naman si Coleen dahil habang nangyayari ang gulo sa Bonifacio Global City sa Taguig, may mga pulis na nakakakita ngunit walang umaaksyon.

“They did nothing, except ask if I wanted to continue ironing things out in the station. Guys, seryoso, sawa na ako sa police station. Please lang. So I

opted to drop it instead, but not after taking photos of his plate number and his ID,” ani Coleen.

“While all of this was going on, he drove forward a bit and hit ANOTHER car, whose driver he screamed at as well! Police saw that, too,” dagdag pa niya.

Kasama sa post ni Coleen ang litrato ng plate number ng pulis at ang kanyang driving license.