• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla wants to revive the Star Olympics to help actors in need.

Robin Padilla shares his plans to revive the Star Olympics

Robin Padilla wants to revive the Star Olympics to help actors in need.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/21/2017 09:30 AM
Robin Padilla shares his plans to revive the Star Olympics

052117-RobinPadilla_PUSH.jpg

Nais buhayin muli ni Robin Padilla ang nakagisnan na pagtulong sa mga nangangailangang artista at mga nagtatrabaho sa pelikula sa pamamagitan ng Star Olympics.

Kuwento ni Robin nang nakapanayam ng PUSH ito sa awarding ceremony ng Money Gram Idol Awards, nagsimula ang kanyang pagnanais na ibalik ito nang magkasakit at sumakabilang buhay ang kaibigan at character actor na si Dick Israel na kilala sa showbiz bilang si "Tats".


"Masyado kasi nadungisan ang ating mga artista e, pinukol na ng pinukol ng mga di magagandang bagay. Katulad ng nagkasakit si Tats [Dick Israel] na picturan ng nakalampin lang. Hindi ba bilang kasamahan masyado ako na apektuhan noon para sa kanya," saad pa ni Robin.

Ayon pa kay Binoe, ang pagbuhay muli ng Star Olympics ay muling magpapakita ng pagkakaisa ng local entertainment industry para makalikom ng sapat na pondo para makatulong sa mga nangangailangang mga ka-trabaho.

"Dapat buhayin ang Star Olympics kasi yun ang nagpapakita ng calibre ng mga artista. Kumbaga sa kabayo, pang karerang kabayo ang mga artista. Hindi kami basta patakbuhin lang."

"Pangalawa, magkaroon ng pondo… Hindi ko makalimutan si Tats e. Yung taong yun napaka-alaga nun sa sarili. Ang porma nun tapos nagkasakit. Nawalan na ng glamor ba. Hindi mo na makita yung dating siya," paliwanag pa ng actor.

Paglilinaw pa ni Robin, itutuloy lang niya ang magandang hangarin na sinimulan ng past Actors Guild presidents na sina FPJ at Rudy Fernandez.

"Yun po ang unang unang hakbang ko kasi dapat united ang mga artista e. Kaya kung ano ang itinayo ng mga matatandang artista na sinumulan ng Hari (FPJ) na sinundan ni Daboy (Rudy Fernandez) at Kuya Germs (German Moreno) dapat inire-respeto yun," pahayag ni Robin.

Sa ngayon, hangad ni Robin na maisaktuparan ang kanyang proyekto upang maraming ka-trabaho sa industriya ang makinabang dito.