• Home
  • Fresh Scoops
  • Jed reveals he is now avoiding some friends so they won’t be involved in intrigues.

Jed Madela admits he's affected by bashers

Jed reveals he is now avoiding some friends so they won’t be involved in intrigues.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/21/2017 01:55 PM
Jed Madela admits he's affected by bashers

Labis ngayon na naapektuhan ang Kapamilya singer na si Jed Madela na hindi pa din nilulubayan ng mga mapanirang bashers.

Sa naganap na ASAP Star Magic 25th anniversary celebration sa Araneta nitong Sunday, naibahagi ni Jed ang kanyang pagka dismaya tungkol sa patuloy na pang iintriga sa kanya na umaabot na sa pag iwas niya sa ilan sa kanyang mga kaibigan kabilang na si Darren Espanto.

"There are friendships before ng dahil lang sa bashing tsaka sa intriga ay nasisira, nag-iiwasan na lang kasi pag nakita kayo magkasama gagawan ng issue and so it's sad," panimula ni Jed.


Kuwento ng singer, labis niyang ikinalungkot na may ibang mga tao pa ang nadadamay sa pang ba-bash sakanya.

"This is not the first time, I don't know why, pati ang pag suporta ko kay Darren is a big issue, they always give malicious meaning. Ako naman I'm always been a kuya to Darren ever since he started so ngayon na he's already finding his spot in the industry ako I can't help but to be proud of him," pahayag pa ng singer.

Aminado si Jed na apektado siya sa nangyayari kung kaya mas pinili nalang niya ang iwasan muna ang kanyang mga kaibigan.

"Napakasakit sa damdamin in all honesty, ngayon hindi kami masyadong okay ni Darren you know we just say 'Hi','Hello' unlike before. Ako kasi I try to protect the kid kasi kung ako I ba-bash niyo ako okay lang, pero pag siya na or ibang kaibigan ko lalo akong nasasaktan and pag madaming tao we are kind of awkward. Hindi lang sa kanya kundi yung iba pa na mga nabibigyang intriga sa ‘kin."

Dagdag ni Jed mas maingat siya ngayon sa pakikipag usap sa mga tao sa kanyang paligid dahil ayaw na niya na madamay pa ang ito.

"Ako kasi i don't mind I let them talk but sometimes there are other artist din who really get affected, kaya I guess we're more careful in the sense na ‘if there are people around we avoid talking to each other, kasi baka mabigyan ng issue," pagtatapos na pahayag ng singer.