Hindi
man nabibigyan ng pagkakataong muling gumawa ng teleserye, napapanood naman si
Marlo Mortel regularly sa morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda.
Ayon
sa aktor nang makausap siya ng PUSH, nami-miss na rin daw niya ang pag-arte.
“Nami-miss
ko na nga, eh. For quite some time enjoy naman ako sa UKG, saka stable ako
do’n, eh, hindi ako nawawala every day.
“Siguro
kung career-wise, okay na ako na may UKG, then kailangan kong magbalik sa
pag-arte so naghihintay lang ako ng tamang break.
“Hopefully
po sa dati kong unit, sa GMO, sana meron. Hindi ko lang po alam kung ano,”
pahayag ng binata.
Ang
Oh My G! pa ang huling teleserye na
ginawa ni Marlo sa ABS-CBN kasama ang dating ka-love team na si Janella
Salvador.
“Two
years na rin nga po yon, matagal na rin.
Pero happy naman po ako. Happy rin ako kay Janella kasi okay naman sila (ni
Elmo Magalona). Pero siguro it’s time to step up,” say pa niya.
Aminado
ba siya na naging matamlay ang career niya mula nu’ng nabuwag ang love team
nila ni Janella?
“Actually,
hindi ko naman kasi makokontrol, kasi management decision yon, eh. Kumbaga,
wala talaga akong control at all kahit anong gusto kong mangyari,” sagot niya.
Patuloy
ni Marlo, “Kung ako, gusto ko rin siyempreng mag-stay kung anong meron ako
dati, di ba, pero ang inilaban ko na lang talaga is may talent ako.
“Kumbaga,
kahit papaano, hindi ako nawawalan. Dahil sa UKG naging stable naman yung
financial, hindi ako nawawalan ng raket kasi nakikita ako sa TV, iba nga lang
yung market ko.
“And
sa singing naman, hindi rin ako nawawalan ng raket dahil may Harana (group) and
lagi akong may mall show dahil marunong akong kumanta. So, kumbaga, nagawa ko
na yung part ko, eh.”
Ibinalita
rin sa amin ni Marlon a kumuha na siya ng bagong manager bukod sa Star Magic.
“Kumuha
ng personal manager, pero nasa Star Magic pa rin ako. First time na may
magko-co-manage sa akin, si Jonas Gaffud ng Mercator.”
Hindi
ba niya nami-miss magkaroon ng ka-love team?
“Ah,
siyempre nami-miss ko rin. Pero kahit papaano kasi nakatayo pa rin akong
mag-isa, eh. Hindi naman talaga ako naiwan nung nawalan ako ng ka-love team,
nasa industry pa rin naman ako at kahit papaano, nakikilala ako as a host dahil
sa sarili ko,” katwiran niya.
“Naiwan
siguro ako in terms of love team, pero hindi ako napag-iwanan sa career. Kasi
daily yung ginagawa ko at daily rin naman yung kita ko at exposure ko. So,
hindi ako nawalan sa area na yon.
“Siguro,
nawalan lang ako sa tingin ng tao kasi kapag hindi ka lumalabas sa primetime,
akala nila wala ka na. But the thing is, iba naman yung napuntahan ko kasi nasa
News (and Current Affairs) ako at nagho-host,” pagtatapos ni Marlo.