• Home
  • Fresh Scoops
  • Jairus Aquino also talks about getting a more toned physique.

EXCLUSIVE: Jairus Aquino feels pressured working with Christopher de Leon

Jairus Aquino also talks about getting a more toned physique.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/21/2017 09:19 AM
EXCLUSIVE: Jairus Aquino feels pressured working with Christopher de Leon

052117-JairusAquino_PUSH.jpg

Sa set ng pelikulang The Possible Dream sa Malolos, Bulacan ay nakausap ng PUSH si Jairus Aquino at dito niya inamin na nakakaramdam siya ng pressure sa bagong role na ginagampanan sa pelikula.

“Ako po kasi yung young Christopher de Leon sa movie, so medyo pressured po talaga. Kasi alam naman po natin na si Mr. Christopher ay isa sa mga hinahangaang aktor sa showbiz,” pag-amin ng binata.


“Pero pinaghandaan ko naman po yung role ko. Iniisip ko yung mga dapat ko pang gawin para hindi naman po nakakahiya,” dagdag pa niya.

Sa naturang project ay hindi kasama ni Jairus ang ka-love team na si Sharlene San Pedro na huli niyang nakatambal sa seryeng Langit Lupa ng ABS-CBN.

“Solo-solo po muna kami. Pero sa MYX naman po magkasama kami,” sey pa niya.

Nadagdagan ba ang level ng intimacy nilang dalawa after magsama sa Langit Lupa?

“Basta malinaw po sa amin na… alam n’yo po yon, friends kami, na okey sa amin ito… yung ganun. Meron naman po, nadadagdagan siyempre, pero basta kami work lang muna,” pag-amin ng binata.

Jairus turned 18 last April 1, ano ba ang birthday gift sa kanya ni Sharlene?

“Binigyan niya po ako ng jersey from NBA store,” tila kinikilig niyang sagot.

Patuloy pa ni Jairus, “Ako naman po, ang birthday gift ko sarili ko ay yung umakyat sa Mt. Pulag sa Benguet. Ako po kasi yung klase ng tao na hindi ma-party, eh.

“Hindi ako yung gusto na maingay o mahilig gumimik. For me, it’s better to hang with friends nang tahimik sa bahay or somewhere else. Kaya mas gusto ko yung nakikita yung nature, yung creations ni God. Ganun po akong tao, eh.

“Mas gusto kong makita yung hindi gaanong madalas nakikita ng mg tao everyday kaya mas gusto kong umaakyat ng bundok, nagma-mountain bike kasi iba yung nakikita ko.”

Inamin din sa PUSH ni Jairus na sinisimulan na rin niyang magpaganda ng katawan ngayon.

“Before Langit Lupa, naggi-gym na po ako kaso nu’ng pa-ending na, naging busy, sunud-sunod na yung taping namin dahil naghahabol medyo hindi na ako nakabalik. Pero after nitong work, pag nagkaroon ako ng bakanteng schedule balik-gym na po talaga ako.”

Magpapa-abs na rin ba siya?

“Kasi sa akin, wala pa sa isip ko yung maghubad, eh, so more on biceps lang muna po ako para pag naka-T-shirt mas lumalabas, tapos more on chest. Yung abs, saka na lang yon, bonus na lang yon. Hehehe!”

Aminado si Jairus na bilang artista, mahalaga rin na may magandang pangangatawan.

“Oo naman po. Pero hindi lang po para sa trabaho yung pagpapaganda ng katawan, para din yon sa health natin. Kasi you have to be healthy, you have to be athletic sa trabaho natin.

“Kasi yung trabaho sa showbiz ibang klase, eh. Yung pagod, yung puyat, kaya as much as possible, dapat healthy talata. And when it comes to work, kailangan iba ka rin sa kanila or kailangan sumabay ka sa kanila.

“Dapat meron ka ring sapat na confidence, na meron akong ganito, na kaya ko to, yung ganu’n. Kasi ako, I’m doing this also for myself, nagba-basketball ako para may lakas din yung katawan ko to do anything,” lahad pa niya.

Samantala, ang pelikulang The Possible Dream ay istorya ng pagsisikap at tagumpay na makaka-inspire sa mga ordinaryong tao na mangarap at magsikap. Sa direksyon ito ni Joven Tan mula sa Scenema Concept.