• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Maryo J. delos Reyes also reveals what he learned from the late Douglas Quijano.

EXCLUSIVE: Director Maryo J. delos Reyes explains why he still wants to discover new artists

Director Maryo J. delos Reyes also reveals what he learned from the late Douglas Quijano.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/21/2017 09:07 AM
EXCLUSIVE: Director Maryo J. delos Reyes explains why he still wants to discover new artists

052117-MaryoDelosReyes_PUSH.jpg

Bukod sa pagiging premyadong director, kinakarir din ni Direk Maryo J. delos Reyes ang pagmama-manage at pagdiskubre ng bagong talents. Isa sa matagal na niyang hawak ay ang grupong Masculados na 15 years na sa showbiz at ang member nitong si Orlando Sol na binigyan na ng solo album ng Star Music.

“Nag-iisip nga ako na magdahan-dahan na, eh. Kaya lang, parang naaaliw pa ako kasi ang dami-daming talents na kulang pang i-push saka yung merong kang discovery. I think yon yung gift na nakuha ko kay Douglas (Quijano).


“Na maski na mahirap, keep on discovering kasi that is our job, otherwise, mai-stuck na lang tayo kay Gloria Romero,” kuwento ni Direk Maryo sa PUSH.

Inalala rin ng director ang mga bagay na natutunan niya sa yumaong talent manager na si Douglas Quijano noong nabubuhay pa ito.

“Ang dami kong natutunan sa kanya. Ang laki-laki ng impluwensiya sa akin ni Douglas. Pati sa pakikipag-deal sa mga artista, saka yung how to handle things. Hindi mo puwedeng basta-basta saktan yung isang nasa pamilya nyo sa industriya,” kuwento niya.

Dagdag pa ni Direk Maryo, “There is a way of handling it, eh. Kasi si Douglas, wala namang kaaway, eh, di ba? His memory has been very, very positive and fresh.

“Ano siya, free-spirited. Eh, hindi naman ako ganun, ibig sabihin, ang dami kong natutunan,” wika pa niya.

Inamin din ng magaling director/talent manager na nalulungkot siya kapag naaalala niya ang dating kaibigan.

“Naiiyak nga ako minsan, eh,” pagtatapat niya.

“Minsan, kapag dinadalaw ko yung parents ko, dinadaanan ko siya kasi sa Himalayang Pilipino rin siya nakalibing. Nami-miss ko siya kasi ang dami rin naming magagandang pinagsamahan,” buntong hininga pa niya.

Isa rin daw sa hindi niya malilimutang experience with Tito Dougs ay yung mga pelikulang ginawa niya para sa mga talents nito. “Ang dami kong ginagawang pelikula for him. Tapos ang dami kong artistang ni-launch na alaga niya—sina Goma (Richard Gomez), Jomari Yllana, Aiko Melendez—sa akin nanggaling lahat ang mga yan.”

Ano ba ang joy na nakukuha niya on discovering and mentoring new talents?

Aniya, “Kasi pag nagdi-discover ka, binibigyan mo ng bagong tanim yung industriya. Kasi otherwise, wala silang iha-harvest. Pag hindi kayo nagtanim ng mga bagong talents, wala kayong entertainment.

Let’s face it, lahat tayo nagkakaedad, lahat tayo tumatanda. So, merong ebolusyon yan. Dapat we keep on searching, we keep on discovering, we keep on pushing people up. Otherwise, yung mga nasa ibaba, hindi magkakaroon ng espasyong umangat.”