• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin makes the elders at the Graces Home for the Aged happy.

Coco Martin shares why senior citizens are close to his heart

Coco Martin makes the elders at the Graces Home for the Aged happy.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/21/2017 01:52 PM
Coco Martin shares why senior citizens are close to his heart

052217-CocoMartin_PUSH.jpg

Sa Rated K, nakapunta na sa wakas si Coco Martin sa Graces Home for the Aged para bisitahin ang mahigit sa 300 na lolo’t lola. Ayon sa report, dream come true daw ito para kay Coco.

“Masaya sila kasi nakita nila ako. Isa sila sa pinakamalapit sa puso ko dahil lumaki nga kasi ako sa lolo ko, saka sa lola ko,” ani Coco. “Kung nasan man ako ngayon, ang lola ko ang naghubog sa akin. Kaya sabi ko parang pag nakakakita talaga ako ng lolo at lola nahahabag ako. Kung mapapansin niyo sa lahat ng soap opera ko ang leading lady ko lola.”


Dagdag pa niya, “Ilang beses na ako nagtangka na magpunta dito para magpasalamat at makita sila personally. At ngayon nabigyan ako ng oras. Masarap sa pakiramdam na nakatulong.”

Bukod sa ngiting iniwan ni Coco sa mga matatandang binisita nagdala din siya ng regalong unan para sa kanila.