Yassi Pressman shares her humble beginnings

Yassi Pressman is thankful ‘Ang Probinsyano’ has been extended.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/2/2017 9:00 AM
Yassi Pressman shares her humble beginnings


050217-Yassi_PUSH.jpgSa TV Patrol, sinabi ni Yassi Pressman na hindi siya pinanganak na mayaman. “Hindi naman kasi kami pinanganak ng ganun e baka akala lang dahil maputi… ”

Ayon sa report, British ang ama ni Yassi at Filipina naman ang ina niya. Six years old si Yassi nang lumipat sa Pilipinas ang kanyang pamilya. Dito si Yassi naging commercial model at nagsimula maging breadwinner ng kanyang pamilya. Ani Yassi, “yun yung purpose ko kasi e in everything, para sa kanila. Kasi sobrang daming blessings, hindi lang ako. Nadadala ko sila sa ibang mga lugar or nakakakain kami sa mga places na dati hindi namin nata try… Masaya.”

May sakit ang ama ni Yassi pero ayaw niya itong pag-usapan dahil gusto niyang maging positibo. “I grew up looking for the best things in life and I knew that they were always free. Yun ang talagang tinuro sa akin. Ang daming blessings. I have a great family. I have amazing pets. I’m alive today.”

Masaya rin siya na extended ang hit seryeng Ang Probinsiyano kung saan isa siya sa cast. “Napakalaki ng blessings ng Probinsyano and ang dami pang blessings na dumadating so sobrang thankful ako talaga.”