• Home
  • Fresh Scoops
  • Katarina Rodriguez giving up Binibining Pilipinas - Intercontinental crown?

Katarina Rodriguez giving up Binibining Pilipinas - Intercontinental crown?

The beauty queen posts on her social media accounts that she is not resigning.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/2/2017 7:18 PM
Katarina Rodriguez giving up Binibining Pilipinas - Intercontinental crown?


050217-KatarinaRodFINAL_PUSH.jpgMainit na pinag uusapan ngayon ng mga pageant enthusiasts sa social media ang balitang crown switching umano sa mga winners ng katatapos lang na Binibing Pilipinas 2017.

 Nagsimulang uminit ang usap usapan mula sa naging kontrobersyal na social media post ng isang pageant enthusiast na unang nailathala sa Phil Star. Com patungkol sa issue. “Expect a shake-up that will break your hearts. It broke ours.” ani pa nito at sinundan ng isang hashtag #BinibiningPilipinas2017.

Mula dito nagsunod sunod na ang mga espekulasyon ng ibang pageant lovers patungkol sa issue na idinidirekta kay newly crowned 2017 Binibining Pilipinas Intercontinental Katarina Rodriguez.

Samantala agad naman pinabulaanan ni Katarina ang issue sa pamamagitan ng isang post sa kanyang social media account patungkol sa pagtanggi umano niya sa korona na napunta sa kanya.

"Hi fam. Never made an announcement to anyone that I'm resigning the crown. It's been two days since one of the most intense and fun experiences of my life. I've been sleeping & talking to my family, friends & loved ones," bungad nito sa kanyang Instagram post. 


050217-KatarinaRod1_PUSH.jpg


Ayon naman sa impormasyon na nakuha ng ABS-CBN news reporter na si Mario Dumaual mula sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated na hinihintay nila ang resignation na manggagaling mismo kay Katarina.

"Katarina Rodriguez will not be able to fulfill her duties and responsibilities as 2017 Binibining Pilipinas Intercontinental, as of the moment we are waiting for her resignation."  sabi ng statement ng BPCI. 

Sa ngayon maraming kuwento ang lumulutang kaugnay ng issue, pero tanging si Katarina lamang ang makakapaglinaw kung ano talaga ang totoo dito.