• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Santos admits he is nervous and excited about this new chapter in his life.

Gerald Santos says he cried when he saw his plane ticket for Miss Saigon UK Tour

Gerald Santos admits he is nervous and excited about this new chapter in his life.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/02/2017 09:54 AM
Gerald Santos says he cried when he saw his plane ticket for Miss Saigon UK Tour

050217-GeraldSantos_PUSH.jpgNakatakdang umalis ngayong May 6 papuntang London ang singer na si Gerald Santos para sa Miss Saigon UK tour. Magsisimula ang kanilang company rehearsals on May 15 na mismong birthday ng binata.

“Parang in place lahat,” simula ng 25-year old singer.

“December 16 nu'ng kausapin ako nu'ng director ng tour, si John-Pierre (Van Der Spuy) then on December 23, they offered me the role. Ang first company rehearsals namin falls on my birthday. Sumakto lahat,” dagdag pa niya.


Gagampanan ni Gerald ang role na Thuy (currently being portrayed by Devin Ilaw sa Broadway revival) sa 2017 UK tour na magsisimula sa Leicester Curve sa July 3.

Inamin ng ni Gerald na naiyak talaga siya nang dumating na ang kanyang plane ticket papuntang London.

“Naiyak ako nung dumating na yung ticket ko. Kasi parang nag-sink-in na sa akin na aalis na pala talaga ako,” emosyonal niyang pahayag.

Mag-isang mamumuhay si Gerald sa UK na malayung-malayo sa nakasanayan niya dito sa Pilipinas.

“Sobrang kinabahan din ako, natakot pero mas lamang talaga yung saya at excitement. Sa ngayon, medyo may malaking pagbabagong mangyayari. May konting kalungkutan pero mas lamang yung kasiyahan, yung excitement na nararamdaman ko,” lahad pa niya.

Patuloy pa niya, “Maiiwan ko yung mga mahal ko sa buhay, yung mga nagmamahal sa akin at sumusuporta. But I would say, dito nakataya yung aking future bilang isang performer.”

Maliban kay Gerald, dalawa pang Pinoy actors ang pasok sa Miss Saigon UK tour, sina Red Concepcion (bilang Engineer) at Joreen Bautista (bilang alternate Kim).