• Home
  • Fresh Scoops
  • Bb Pilipinas candidate Sirene Sutton explains what happened during the Q&A portion.

Bb Pilipinas candidate Sirene Sutton shares thoughts on Q&A performance

Bb Pilipinas candidate Sirene Sutton explains what happened during the Q&A portion.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/02/2017 10:09 AM
Bb Pilipinas candidate Sirene Sutton shares thoughts on Q&A performance

050217-Sirene_PUSH.jpgLabis na ikinalungkot ng mga supporters ni Binibining Pilipinas finalist Sirene Sutton ang kanyang naging sagot sa Question and Answer portion sa katatapos lang na pageant.

Hot topic sa social media ang 23-year-old model turned beauty queen para sa kanyang “Yes at No” na sagot sa tanong na “Is it right for parents to demand support from their children in exchange of raising them?” mula sa CNN Philippines News Anchor na si Mitzi Borromeo.











Sa panayam na ito kay Sirene after the pageant, labis ang kanyang panghihinayang sa kanyang naging tugon sa Q&A.

"I guess I didn't hear the question properly and I just got blank," sabi pa nito.

Graduate ng Marketing Management course si Sirene sa Southville International college bago sumabak sa pageant at kilala bilang isa sa mga independent candidate ngayong taon.

Ganun pa man, positibo pa din ang kandidata na mauunawaan siya ng kanyang mga taga-suporta sa kanyang naging performance.

"It's not intentional. I'm not like that if you watched my Road To The Crown, I guess it happens because it’s not meant for me, but I hope that everything would be positive after even if there's a minor setback."

Sa ngayon, wala pa sa plano ni Sirene ang sumabak muli sa susunod na taon ng Binibining Pilipinas.