• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai delas Alas says she can relate to her role in ‘Our Mighty Yaya’.

Ai-Ai delas Alas pays tribute to all yayas in her latest film

Ai-Ai delas Alas says she can relate to her role in ‘Our Mighty Yaya’.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/02/2017 10:11 AM
Ai-Ai delas Alas pays tribute to all yayas in her latest film

050217-AiAi_PUSH.jpgMalapit sa puso ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas ang kuwento ng pelikulang Our Mighty Yaya dahil naka-relate daw siya sa pelikula na magiging Mother’s Day offering ng Regal Entertainment at ipapalabas sa May 10.

“Lumaki rin ako sa yaya. Kasi yung adoptive mother ko, laging nasa province. Mga 15 years old ako noon, kasama ko siya lagi.

“So very close kami. Magkasama kami palagi hanggang sa magkaanak ako. Naging yaya rin siya nina Sancho, Sofia, at Sean.


“Umiikot lang siyang na parang cycle kasi siya na ang nag-aalaga sa nanay ko kaya nagpapasalamat ako dahil hindi niya kami iniwan all those years at nasa amin pa siya,” pahayag ng bida ng pelikula.

Ayon kay Ai-Ai, parang mga “anghel” ang mga yaya dahil parang sila na ang tumatayong second parents ng mga inaalagaan nila.

Ani Ai-Ai, “Ayoko silang tawagin yaying kasi ‘angels’ naman talaga sila dahil tinutulungan nila ako sa lahat lalo na’t busy ako sa trabaho ko. Sila yung iniiwan ang kanilang pamilya at isinasakripisyo ang kanilang buhay para pagsilbihan lamang ang iba.”

Hindi rin daw maiwasan na maka-experience siya ng separation anxiety (sepanx) kapag nawawalay siya sa kanyang yaya.

“Siyempre, naroon na yung attachment mo sa kanila, eh, lalo na kung mabait sila at mapagkakatiwalaan. Yung iba naman, kahit paano kapag umaalis, nami-miss mo pa rin kahit na minsan ay may nagawang mali.”

Sumasaludo rin daw siya sa mga yaya kaya ang Our Mighty Yaya ay parang tribute niya sa kadakilaan ng mga ito.

“Aba, hindi birong manilbihan ka sa iba dahil iba rin ang pakikisamang gagawin mo. Hindi rin naman lahat ng amo at aalagaan mo ay mabait.

“Although may ibang yaya na salbahe rin at nagte-take advantage, meron namang loyal at nakahandang isugal ang buhay para sa iyo kaya dapat trinatrato natin silang mabuti,” lahad niya.

Patuloy niya, “Kaya nga tribute itong pelikula sa kanila. Sila kasi ang gumagawa ng duties o obligasyon ng isang magulang kapag wala sa bahay ang isang ina o ama.

“Sila yung gumagabay sa mga bata kapag wala ang kanilang mga magulang. Sila yung nasa frontline sa anumang pinagdadaanan ng kanilang mga inaalagaan,” pagtatapos ni Ai-Ai.