Sa TV Patrol,
ibinalita na gustong buhayin ni Robin Padilla ang Star Olympics para suportahan
ang mga artistang senior citizen na at ung may karamdaman.
Aniya, “pag matanda na ang artista pinababayaan na natin. ‘Wag, pangit yun. Gobyerno nga, ang senior citizen inaayos e. Dapat tayo din.”
Hindi din daw niya makakalimutan ang yumaong artista na si Dick Israel. “Hindi ko makalimutan si Tats e. Yung taong yun napakaalaga sa sarili nun, ang porma nun. Tapos nung nagkaroon ng sakit parang nawalan ng glamor ba.”
Dagdag ni Robin, “dapat buhayin yung Star Olympics kasi yun ang nagpapakita ng kumbaga sa kabayo, pangarerang kabayo ang mga artista. Pangalawa magkaroon ng pondo.”
Excited rin si Binoe sa kanyang next project kasama sina
Jodi Sta. Maria at si Richard Yap. “Nakakatuwa nga kinausap ko kaagad si Sir
Chief, tagahanga ako nung dalawang yun e. Si Jodi nagkita kami. Napaka-warm din
nung batang yun.”