Engaged na sa kanyang longtime boyfriend si Miss World
Philippines 2014 Valerie Weigmann. 7 years na silang magkasintahan at
nag-propose na ang kanyang lawyer boyfriend na si Bodie Pulido sa kanilang bakasyon
sa Machu Picchu, Peru.
“And the highlight of the whole trip…finding my forever in
the ancient ruins of Machu Picchu. After 7 years you sealed the deal in the
most excellent way,” ani Valerie sa Instagram.
Bukod sa pagiging pambato ng Pilipinas sa pageant noong
2014, sumali rin siya sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition” noong 2008 kung saan
tinanghal na big winner si Ejay Falcon.
Matapos ang Miss World 2014 pageant, naging modelo siya sa
America under the agency MSA Models. Kamakailan lamang ay rumampa siya sa New
York Fashion Week.