EXCLUSIVE: Eric Estregan still grateful for three-year relationship with ex-girlfriend Alodia Gosien

Eric Estregan plans to pursue an acting career.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/16/2017 10:00 AM
EXCLUSIVE: Eric Estregan still grateful for three-year relationship with ex-girlfriend Alodia Gosien

051617-EricEstregan_PUSH.jpg

TV commercial model si Eric Estregan sa matagal na panahon bago siya nag-decide na pumirma ng five-year contract sa Viva Artist Agency (VAA) at pasukin finally ang pag-aartista.

“I’ve been a commercial model for eleven years na freelance,” kuwento niya sa PUSH.


Ang pagpasok daw niya sa showbiz ay parang next step sa gusto niyang gawin since graduate siya ng Digital Filmmaking sa College of St. Benilde sa La Salle.

“Actually, it’s my course in college—Digital Filmmaking—so I direct my own sort films. I think it’s about time,” dagdag niyang kuwento.

Patuloy pa ni Eric, “’Yung plan ko is, while I’m young and I still look youthful, I want to act first and I really want to put my stories kasi since I’m a filmmaker, yung mga scripts ko din I want to bring them to life and eventually, ang end goal pag matanda na ako, siguro mga 40s plus magdidirek na ako.

“Gusto ko ring mag-pitch ng stories sa Viva tulad ng ginawa ni Bela (Padilla) sa Luck At First Sight.”

Ano ba ang best advice na binigay ng daddy niyang si ex-Gov. ER Ejercito ngayong magsu-showbiz na rin siya?

“Ah, just be yourself and give everything you’ve got and do your best in everything you do.

“Of couse, I’m lucky and fortunate enough to carry on my dad’s name—it’s a responsibility, so as early on, sabi ng dad ko, we have to protect our name,” sagot niya.

Walang love life ngayon si Eric. Huli niyang nakarelasyon ang sikat na cosplayer na si Alodia Gosiengfiao.

“We were on for two-and-a-half years. But we broke up last year. We just wanted to separate, we have to grow,” matipid niyang reaksyon.

“But she’s very nice, wala akong masasabing masama tungkol sa kanya,” hirit pa niya.

Hindi ba siya nanghinayang sa halos three years na relationship?

“Next question,” pag-iwas niya sa tanong na nakangiti. “Siguro it’s not just the right time. She’s very focused on her career and I’m just starting out and I’m currently busy rin with my two businesses (gym and food business), and I need time din for myself to grow.”

Matagal na rin daw silang hindi nagkikita at nagkakausap pero naging maayos daw naman ang kanilang paghihiwalay. Handa rin siyang maging kaibigan ang ex-girlfriend.

“We’re civil. And I’m willing to be friends with her. Hindi lang kami nagtatagpo ng landas.

“I wish her all the best kahit hindi kami nagkikita and I’m forever thankful sa kanya. Ang dami rin namin siyempreng pinagsamahan, three years,” sambit pa niya.

Sa ngayon ay wala raw muna siyang idini-date na bago.

“No, focus on work. No, I’m not. I haven’t been (dating) since then. I’ve been focused on work saka no time. Being in a relationship for three years, parang ngayon gusto ko naman ng time for myself,” pagtatapos ng bagong Viva Artists Agency talent.