• Home
  • Fresh Scoops
  • Susan Roces reacts to Coco Martin taking on ‘Ang Panday’

Susan Roces reacts to Coco Martin taking on ‘Ang Panday’

Susan Roces is very grateful to Coco Martin for helping to preserve her late husband’s legacy.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/14/2017 8:06 AM
Susan Roces reacts to Coco Martin taking on ‘Ang Panday’


051417-SusanRoces_push.jpgPresent sa isang event ang pamilya Poe para magbigay suporta kay Brian Poe Llamanzares na nag uumpisa na ngayong mag disenyo ng mga relo para makatulong sa isang charity.

Sa nasabing event ng Time Master Watches, nakapanayam ng PUSH si Miss Susan Roces na nagpabatid ng kasiyahan para sa patuloy na pagsuporta ng mga Pilipino tuwing gabi sa FPJ's Ang Probinsyano kung saan kabilang siya bilang si Lola Kap.

"Lahat kami ay masayang-masaya na lagi kami sinusubaybayan ng maraming nanunuod sa mga ginagawa namin. Mahirap man na trabaho kasi halos araw-araw kami nasa taping. Ganun pa man, nakakatabang puso na ina-appreciate kami ng manunuod," saad pa ng veteran actress.

Saludo din daw si Miss Susan sa dedikasyon na ipinapakita ni Coco Martin sa programa.

"Tungkol sa trabaho niya, wala na ako ma-advise pa sa kanya kundi ingatan lang ang kalusugan dahil siya’y talagang buhos na buhos sa kanyang trabaho. Sobra-sobrang dedikasyon niya dinidibdib niya na magawa ng maayos ang serye."

Bukod sa FPJ's Ang Probinsyano, labis din ang galak niya sa muling pagsasabuhay ng mga proyekto ng kanyang namayapang asawa na si Fernando Poe Jr kabilang na ang naka kasang remake ng Ang Panday.

"Well I wish them luck. Oo nabangit niya sa akin yung tungkol sa pakikipag-usap niya na una tinanong niya ako kung may karapatan daw ba siya na gawin niya ang Ang Panday. Sabi ko, 'Ang tanging may karapatan na makapagsabi sa ‘yo ay ang writer nito na si Carlo J. Caparas," paliwanag pa ng aktres.

Dagdag pa ng veteran actress, alam niya na labis din ang kasiyahan ngayon ng kanyang namayapang asawa ngayon dahil sa ginagawang pag-iingat ni Coco sa mga proyekto ni FPJ.

"Natutuwa ako at nagpasasalamat na naiisapan nila na gawing teledrama ang Ang Probinsyano. Yan ay personal choice ni Coco at nagpapasalamat ako dahil talagang iniingatan niya talaga na mapaganda at marahil nakatanaw si FPJ at tuwang--tuwa din sa paghihirap na ginagawa ni Coco upang maging maganda ang serye," saad pa nito.

May partisipasyon ba siya sa pag babalik ng Ang Panday?

"Siguro naman sa background nalang ako, behind the scene at todo suporta ako sa kanya. Ang pelikula ay para sa kanila na at pang teleserye na lang ako.” Ang kanyang pagtatapos na pahayag.