• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta nagsalita na sa pagkakaroon daw ng third party sa relasyon nila ni Sen Kiko Pangilinan

Sharon Cuneta nagsalita na sa pagkakaroon daw ng third party sa relasyon nila ni Sen Kiko Pangilinan

Sinabi ng Megastar na may mga tao talagang sadyang masama para gawan sila ng kwento ng kanyang asawa.

BY ANN MANHIT

FRESH SCOOPS

5/14/2017 8:24 AM
Sharon Cuneta nagsalita na sa pagkakaroon daw ng third party sa relasyon nila ni Sen Kiko Pangilinan


051417-SharonCuneta_push.jpg“There is no truth to rumors going around that Kiko and Sen. Risa Hontiveros are having an affair (or held hands),” ito ang pambungad na statement ni Sharon Cuneta sa kanyang Facebook post ngayong Mother’s Day, May 14.

Ito ay patungkol sa mga kumakalat na pictures online na pinalalabas na may relasyon ang asawa ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan at kasamahan nito sa Senado na si Sen. Risa Hontiveros. Ikinonek kasi ng ilang netizens ito sa mga posts ng Megastar kamakailan na ayaw na niyang umuwi sa Pilipinas pansamantala dahil siya ay may pinagdadaanan.

READ: Sharon Cuneta ayaw nang umuwi ng Pinas?

“Some people are evil. They have nothing better to do than ruin people’s lives. Wala bang mas matalino or mas challenging na paraan na hindi naman nakakainsulto sa utak ng karamihan kung maninira ka lang din ng kapwa?” naiinis na sinabi ni Sharon sa kanyang post.

“So if I am going through anything now, it does not involve a third party,” giit nito.

Ipinaliwanag din ni Sharon kung ano ang kanyang pinagdadaanan para masabi niyang gusto muna niyang mamalagi sa US.

“In the past few weeks I've had two people die on me. A favourite auntie is sick. The start of filming for my movie with Star Cinema has been moved to September. I owe so much money (on very good investments not stupid stuff) and I have no one in the world to help me. I am probably the poorest, most cash-strapped billionaire you know (!). Etc., etc., etc. So much more, and you don't know half of it.

“So I left Manila. Being somewhere else lets you see things from a whole different perspective. Can't be effective as a mother, wife, sister, aunt, co-worker, friend, etc., etc., etc. if you yourself are lost and need to breathe. Siguro naman may karapatan din ako malungkot at mapagod?”

Sa huli ay nagpasalamat sa mga sumusuporta sa kanya at binati ni Sharon ang kanyang followers ng “Happy Mother’s Day.” Sinabi rin ng aktres na, “Will be home soon.”

Ito ang kabuuan ng pinost ni Sharon sa kanyang official FB page: