Harlene Bautista, papasukin na din ba ang buhay pulitiko?

Ang dating aktres na ba ang First Lady of QC?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/15/2017 01:29 AM
Harlene Bautista, papasukin na din ba ang buhay pulitiko?
051517-Harlene_PUSH.jpg

Isang programang pang kababaihan naman ang inilunsad ng dating aktres at ngayo'y business woman na Harlene Bautista.

Kilala ngayon si Harlene bilang isa sa mga itinuturing na First Lady ng Quezon City na pinamumunuan ng kanyang kuya na si Mayor Herbert Bautista.

Bukod sa pagiging isang restaurant owner, katuwang din si Harlene ng kanyang kuya sa pag buo ng ilang programa sa QC partikular na sa mga gawaing pang kababaihan.


"Project Ganda is a beautification project of Quezon City and City Lady Foundation na ako ang head para sa mga magagandang kababaihan ng QC," bungad na kwento ni Harlene.  

Dahil sa pagiging aktibo niya sa serbisyong bayan, naitanong din sa dating aktres kung ito na ba ang simula ng kanyang pagsunod sa yapak ng kanyang kuya na si Herbert.

"Hindi ko naman sinasara ang pinto, Hindi ko din binubuksan, steady lang siya kung andyan, andyan, kung darating, darating. But kahit walang position, pwede naman tayo gumawa ng mga ganitong project para sa mga constituent ng Quezon City," paliwanag ni Harlene.

Sa usapin naman ng bagong bansag bilang First Lady ng QC, pinagtawanan lang niya ito.

"Actually weird, pero hindi ko na masyado ini-entertain (laughs) basta andito lang ako to support my brother in any way I can, sa mga gusto pa niyang idagdag sa Quezon City ganun lang. First lady medyo napaplunok laway ako parang hindi ako talaga," pahayag nito.