• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda explains why audiences and his fellow co-hosts teared up listening to his Mother’s Day poem.

EXCLUSIVE: Vice Ganda reveals inspiration behind Mother’s Day poem he read on ‘It’s Showtime’

Vice Ganda explains why audiences and his fellow co-hosts teared up listening to his Mother’s Day poem.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/14/2017 08:23 AM
EXCLUSIVE: Vice Ganda reveals inspiration behind Mother’s Day poem he read on ‘It’s Showtime’

051417-ViceGanda_push.jpgLuhaan ang karamihan sa audience kasama na ang mga katrabaho sa It’s Showtime nitong Sabado, May 13, matapos i-perform ni Vice Ganda ang espesyal na tula na kanyang ginawa para sa mga nanay sa nalalapit na Mother’s Day.

Sa exclusive nating interview, ibinahagi ni Vice na halos one week in the making ang kanyang isinulat.

"Hindi siya impromptu. Ginawa ko siya ng isang araw. Actually, [a] few hours before the show ko siya natapos pero actually mga limang araw ko siyang ginawa."


Matagal at mahirap din ang proseso na kanyang pinagdaanan sa pagsusulat ng tula para sa mga nanay dahil emotional din siya kapag napapasarap ng sulat sa tula.

"Hindi ko siya natatapos kasi kapag sinusulat ko siya naiiyak ako. Tapos kapag naiyak ako bumababa ang energy ko, nawawala ako sa mood, hindi ko tinutuloy. Buti na lang sumakto na natapos ko siya on time."

Expected naman daw ni Vice na maiiyak ang sino man na makikinig ng kanyang tula dahil lahat tayo ay nagmamahal sa ating mga nanay.

"Oo kasi yung story ng tula ko relatable siya. Noong pinag-uusapan namin, lahat tayo nagdaan sa ikinuwento ko. Lahat tayo dumaan sa nanay na pinapadede tayo kapag umiiyak. Lahat tayo hinipan ng nanay ang mga sugat natin kapag nadadapa tayo. Yung ganun tapos very visual. Nai-imagine mo talaga ang sinasabi sa tula kaya naaantig ang mga tao," pagtatapos ni Vice.