Masayang-masya si Roxanne Barcelo habang
ikinukwento na umabot na ng almost 3 million ang mga pinagsama-samang eksena ng
away namin ni Maja Salvador – na Ivy vs. Nathalie – sa Wildflower series ng ABS-CBN.
“Sobrang natuwa ako kasi first time na
nag-viral ako ng ganun. And ganun pala yon, kapag binigay mo yung todo mo ang
tindi rin ng balik. Ang galing din kasi ni Maja, sobra talaga, parang ginanahan
din ako nang bonggang-bongga sa kanya,” nakangiti niyang kuwento.
Sana nga raw ay makabalik pa ang kanyang
karakter sa top-rating series.
“I’m looking forward to coming back. Ang
tsika kasi babalik si Nathalie. Hindi raw puwedeng hindi bumalik si Nathalie,”
say pa niya.
Nagkasakitan ba sila sa eksena ng sampalan,
buhusan ng tubig at hulugan sa swimming pool?
“Yung totoo? Medyo masakit yung sa sampalan
namin. Kasalan ko rin naman, kasi
tsinika sa akin ni Maja na ‘Hoy, baks (bakla), dadayaan ko na lang yung
sampal.’ Sabi ko, ‘Huwag baks, mahirap tumiming.’ Kasi hindi pa kami
nagkasampalan ever so hindi ko siya matatantya.
“Sabi niya, ‘Baks, malakas akong manampal.’
Sabi ko, ‘Tsika lang yan.’ Nung nasampal na ako, yung hiyaw ko parang wala
naman sa cue ni Direk yon, pero ang sakit talaga,” natatawa niyang kuwento.
Hirit pa ni Roxanne, “Masakit talaga, parang almost one week na pag
hinahawakan ko (yung pisngi)… hindi siya
namula, pero parang nasa loob yung dugo. Masakit talaga. Namaga.”
Pero kahit mahirap magkontrabida gusto na
raw niya itong gawing career talaga.
“Uhaw akong maging kontrabida. Yon yung totoo,
uhaw na uhaw ako. Masarap kasi yung range ng character, ang dami nyong
napupuntahan. And na-introduce yung term na character actress sa akin just
recently. Hindi ko siya naiintindihan before kasi sanay lang ako na pa-sweet,”
sambit pa niya.
Samantala, isa si Roxanne sa mga bida sa
international film na Way of the Cross
ng Kaizen Studios na idinirek nina Gorio Vicuna at Antonio Diaz.
Ayon sa aktres, nag-audition siya for the
role at masaya siyang natanggap kasama ng iba pang Filipino actors like Alvin
Anzon, Rafael Rosell, Issay Alvarez Manuel Respall at marami pang iba.
“Super audition ako to the max. All English
ang movie, eh. Pero ang gagaling talaga ng Pinoy mag-English, nagulat nga sila
sa atin. Sabi nila, ang gagaling ng
Filipino actors and they are fluent and everyone understands, hindi sila
nahihirapan dito at all.”
Ibang klaseng acting requirement din daw
ang ipinagawa sa kanya sa Way of the
Cross.
“Iba kasi yung acting na pang-Hollywood na
kinukuda (sinasabi) niya sa amin. Well, it’s up to you kung ano yung technique
mo, basta ayaw nila ng sumasabog palabas. Dapat sa loob ang sabog. Hindi siya
yung intense all the way.”
Pahabol pa ni Roxanne, “Last year pa ako
nag-audition dito. We did script reading, pero matagal na sa akin yung script.
Hindi ko siya mabuksan kasi this movie is very disturbing, I was very hesitant
in the beginning na gawin ito.”