• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinasilip din ng singer-actor ang kanyang tinitirhan na London apartment.

EXCLUSIVE: Gerald Santos nagbigay update sa kanyang ‘Miss Saigon’ journey

Ipinasilip din ng singer-actor ang kanyang tinitirhan na London apartment.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/15/2017 12:52 AM
EXCLUSIVE: Gerald Santos nagbigay update sa kanyang ‘Miss Saigon’ journey
051517-GeraldSantos_PUSH.jpg

Exclusive natin na interview via social media mula sa London si Gerald Santos, ang latest Pinoy pride na napabilang sa stage musical na "Miss Saigon." Kuwento ni Gerald na pagtulog ang una niyang ginawa pagdating sa London para makabawi agad sa haba ng biyahe mula Pinas.

"Dumating po ako dito midnight na ng May 6. So the staff of Miss Saigon didn't get to welcome me. Kaya natulog nalang po muna ako to recover sa jet lag hehe," bungad nito.

Ngayon lang nahiwalay sa kanyang mga mahal na buhay si Gerald kaya’t naniniwala siya na kahit malungkot ay malaki ang maitutulong nito sa kanyang karera.


"Yes, of course, it will help me po mature personally and professionally. Personally ngayon ko lang po talaga nae-experience magluto and washing my own dishes. Medyo nasa adjustment period pa din pero doing good I think. And professionally, I’m really learning so much here. To really listen and deliver the things that your director wants from you," kwento pa ni Gerald.

Madalas niya pa rin nakakausap ang kanyang pamilya at salamat sa social media nagkakakitaan at kamustahan sila kahit paano. Madalas ay emotional sila lalo na ang kanyang mga magulang, na proud sa kanyang narating.

"Yes nagkamustahan na po kami. And also my manager Kuya Cocoy. My family they feel like crying whenever they talk to me. Sobrang happy po talaga sila para sa akin at kung nasaan po ako ngayon. Pinagtatawanan po nila ako dahil ini-English ko sila, haha! Sabi ko pano ko mapa-practice at magiging expert sa English kung lagi ko kayo kausap tapos Tagalog.

“And of course my manager Kuya Cocoy is so super proud! He's been the one guiding me and taking care of me both personally and professionally all these years so his like my second dad really so happy for me also.”

Natutuwang shinare din ni  Gerald na nakapasyal na rin siya sa ilang tourist spots ng London, na first time niyang napuntahan.

“ Yes nakapasyal na po ako. The other day, they gave me an off from the rehearsals, so nagkaroon po ako ng opportunity. I've been to Westminster na ako lang mag-isa. So proud of myself.  You can see my pics on my IG. Napuntahan ko po ang The Houses of Parliaments, the famous Westminster Abbey, Buckingham Palace and Trafalgar Square. Napakaganda po sa area na ito. Babalik pa ulit ako dun dahil hindi ako nakapasok sa National Gallery sa Trafalgar. Nung makarating kasi ako sa Trafalgar sarado na ang national gallery Kulang po ata ang isang araw para malibot ang Westminster and nakakapagod lang dahil napakahabang lakaran ang gagawin mo going to one place to the other. And by the way,nagiging expert na po ako riding the Tube Underground," masayang kwento pa ni Gerald.

Nagkuwento na rin si Gerald sa mga unang araw ng rehearsals para sa "Miss Saigon" na kinabahan siya dahil sa pressure at ibang level ng trabaho.

"The first days of our rehearsals went really well. A lot of introductions with the staff. And btw, this week, kami pa lang po mga leads ang nire-rehearse nila. Our first full company rehearsals will be on May 15 and it’s my birthday. What a gift from the Lord!

“First day, sobra po ang kaba ko, actually parang nanginginig po ako pero they are all really nice and will make you feel comfortable so no reason para mag-panic ka or sobrang kabahan. So ayun, we ran through the whole show the first day with the piano, sang through it and our director explaining where the characters are coming from and kung ano po talaga ang meaning nung bawat linya na sinasabi naming. I’m so amazed by how good our director is. He’s so specific and will really explain to you at talagang makukuha mo kung ano ang gusto niya."

Thankful din ang singer actor dahil nakatagpo siya ng bagong mga kaibigan na nakakabawas ng pagiging homesick.

"Wow sobrang babait po ng mga katrabaho ko, I feel like they are my family already. Of course ang una ko po talaga naging friends ay sina Red (Concepcion) and Joreen (Bautista). But the newest is Zoe Doano who’s playing Ellen in the show. She is so really sweet and nice. We've been chit chatting often at rehearsals and she's good friends with Rachelle Ann Go also. Talking about our lives a bit personally and professionally. And also Ryan who'll play John he's really very nice also. Yup I've been telling them that I’m Filipino and they havea lot of respect for us because they recognize how good and talented Filipinos are, so proud to be Pinoy talaga."

Malaki ang demand ng trabaho ni Gerald bilang Thuy sa musical kaya’t matatagalan pa bago siya makauwi muli.

At sa lahat ng tumulong at naniniwala sa kanyang talento, nagbigay mensahe ng pasasalamat si Gerald.

"Sa aking mga kababayan, please continue to pray and support me and of course my co-Pinoy actors here. It is really an honor para sa akin at sa bansa natin na maging part ng isang napaka prestihiyosong musical na Miss Saigon. One thing is for sure po, I will really give and do my best to make you all proud and i-angat ang bandila natin dito sa Europe! Kung makakapanuod po kayo dito, sana po panoorin niyo kami. Ang schedule po ng performances ay nasa Miss Saigon website."

At bago pa matapos ang pakikipag-usap namin sa singer ay ipinasilip nito ang kanyang pansamantalang tirahan sa London. 

18470732_928143337327219_1455508995_n.jpg

18492049_928143183993901_1986431638_n.jpg

18492132_928143100660576_785541444_n.jpg

18515957_928143230660563_1620255004_n.jpg