• Home
  • Fresh Scoops
  • Ana Capri admits she still struggles to get work that she likes.

EXCLUSIVE: Ana Capri hopes her international acting award will mean more opportunities

Ana Capri admits she still struggles to get work that she likes.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/14/2017 08:03 AM
EXCLUSIVE: Ana Capri hopes her international acting award will mean more opportunities

051417-AnaCapri_push.jpgPersonal na tinanggap ni Ana Capri ang kanyang kauna-unahang international best supporting actress trophy from Asean International Film Festivals and Awards (AIFFA) mula sa producer ng kanyang pelikulang Laut na si Baby Go sa isang thanksgiving presscon kamakailan.

Hindi nakasama si Ana sa entourage ng TeamPhilippines na nagpunta ng Malaysia para sa AIFFA awarding ceremony dahil inoperahan siya sa liver stones.

“Sumakit yung balakang ko hanggang sa likod kaya pinaopera ko na. Sayang nga, eh, kasi di ba, pero at least, nakuha pa rin natin (yung award). Kasi kung tutuusin, yon yung first international acting award ko.


“Pero siyempre, hindi na tayo magko-complain. Saka siyempre, inuna ko rin yung health ko—health is wealth, di ba? Hopefully, dahil mas maganda na yung health ko, baka mas magiging maganda na rin yung work ko,” kuwento sa PUSH ni Ana.

Hindi rin itinanggi ni Ana na malaking boost para sa career niya ang magkaroon ng acting awards. Gutom daw siyang magka-award.

“Oo naman, gutom pa rin kaya trying my best pa rin. Kasi may mga years na ano, eh, na napapakamot ako kasi walang dumarating na project na gusto mo. O kaya, may dumarating kaso pang bills to pay lang (laughs).

“Kumbaga, struggling pa rin. Although, at the end of the day, name-maintain ko pa rin siya. Pero siyempre, gusto ko pa rin na may magawa pa akong mas better. Pinapangarap ko rin yung mga Cannes (Film Festival) na yan.

“And hopefully, itong ganitong award, eh, makatulong din para magkaroon ako ng magandang role sa TV. Sana itong award ko sa movie makatulong sa akin to be back on track,” paliwanag ng aktres.

Ikino-consider ba niya ang sarili na “struggling actress” hanggang ngayon?

“Ando’n pa rin kasi ako sa thinking na gusto ko pa ring makagawa ng ganito o ganyan kaya siguro parang struggling pa nga. Gusto ko pa ring makatrabaho si ganito.

“Tapos hindi naman ako closed minded na kunyari, kahit ilang eksena lang yan, pag feeling ko maganda yung pelikula tinatanggap ko,” katwiran niya.

Kasama ni Ana sa thanksgiving presscon ang kanyang Australian boyfriend na kung tawagin niya ay “better half.”

“Assuming lang ako. Hahaha! Almost two years na rin naman kami kaya parang kailangan ko na rin atang tingnan kung magpapamilya na ba ako or what?”

Don ba siya sa Australia magpapakasal?

“Sana dito. Pero puwede rin namang doon, wala namang problema. Pero hintayin muna natin siyang mag-propose,” natatawa niyang pagtatapos.