• Home
  • Fresh Scoops
  • 2017 Mr. Gay World John Raspado wants to use his title to help the LGBT community in the Philippines.

2017 Mr. Gay World John Raspado talks about the challenges he faced in the pageant

2017 Mr. Gay World John Raspado wants to use his title to help the LGBT community in the Philippines.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/14/2017 08:00 AM
2017 Mr. Gay World John Raspado talks about the challenges he faced in the pageant

051417-JohnRaspado_push.jpgNakabalik na sa Pilipinas bitbit ang karangalan bioang 2017 Mr. Gay World ang ating kababayan na si John Fernandez Raspado ng Baguio City. Bumungad agad ang pagbati ni John sa media na sumalubong sa kanya sa airport.

"Mabuhay Pilipinas! Siyempre maraming salamat po na it’s very fulfilling na all the hard work ay nagbunga. Overwhelming po talaga."

Ibinahagi ni John ang naging journey niya sa Spain kung saan naganap ang pageant.


"Marami po kaming challenges na kailangan lagpasan at karamihan sa delegates talagang prepared and since isa ako sa naunang dumating na delegate napag-aralan nila ang mga ginagawa ko for example kung ano isusuot ko kung paano ako maglakad at ang number one competitor ko talaga si Mr. Spain na may hometown advantage. Ang hirap ng pinagdaanan."

Ngayong siya ang nakakuha ng title bilang 2017 Mr. Gay World, maganda ang mga plano na nai-share ni John para sa LGBT community.

"Naniniwala ako na isa sa bansa natin sa gay-friendly country. Gusto ko maging boses ng LGBT community para kahit paano magkaroon ng improvements kung nasaan man ito ngayon."

At gaya ng ibang sumasali sa pageants, mayroon din pinakamahirap na bahagi na nalagpasan si John.

"Ang pinakamahirap is yung personal interview na naluha ako kasi I talked about sa discrimination lalo na sa kuya ko na nai-stroke po siya. Tapos na-homesick ako tumulo luha ko baka doon nila ako di nakalimutan na pwede ako maging inspirasyon sa iba lalo na sa LGBT community."

Sa kanyang tagumpay, abot-abot ang pasasalamat ni John sa lahat ng nagmamahal sa kanya.

"Sa lahat po ng sumuporta sa akin sa buong mundo, maraming salamat po. Para po ito sa pamilya ko at sa Mr. Gay World organization, sa KF at sa lahat ng sumuporta," pagtatapos ni John.