• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda admits he gets tired of being a host-comedian sometimes

Vice Ganda admits he gets tired of being a host-comedian sometimes

Vice Ganda says that when he gets tired of work, he just wants to see his mother.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/13/2017 10:03 AM
Vice Ganda admits he gets tired of being a host-comedian sometimes


051317-ViceGanda_PUSH.jpgInamin ni Vice Ganda sa ilang member ng entertainment press na minsan ay hindi maiwasang nakakaramdam din siya ng pagod sa kanyang mga ginagawa bilang host at komedyante.

“Nakakapagod siya pag hindi ko na siya gusto. May mga times na napapagod ako kasi parang ayaw ko siya nung puntong yun,” pag-amin niya.

Patuloy pa ni Vice, “Kunwari, sa oras na ito, ayoko na munang gawin ito, ayoko munang magtrabaho, ayoko munang magpatawa ng ibang tao. Kasi sa puntong ito, ang gusto ko lang ay puntahan yung nanay ko sa America.

“Although napapagalitan ako kasi hindi ko kaya sa sarili ko na minsan bigla akong bumabalik sa katotohanan na ang daming tao kong napapasaya, ang daming tumatawa, ang daming nagpapasalamat sa akin sa Twitter, sa mga nakakasalubong ko ‘Salamat pinapasaya mo ako.’

“Pero yung nanay ko parang napabayaan ko yata, so ayoko na muna. Aalis na muna ako, iiwan ko muna yan. Kasi kailangan alam mo kung alin ang mahalaga sa yo, eh.

“Hindi puwedeng magaling ka nga pero at the end of the day, yung internal happiness, yung true joy. Hindi mo yan makukuha dun sa konsepto na magaling ka lang. At feeling ko kasi mararamdaman ko lang na magaling ako kung masaya. Kasi kung hindi ako masaya, ibig sabihin, hindi ko ginalingan itong araw na ito.”

 Ano ba ang plano niya para sa ina ngayong Mother’s Day?

“Pinakamaganda sigurong magagawa ko sa kanya ay yung tawagan ko siya. Pinakasimple yun pero yon ang pinakamai-enjoy siguro ng nanay ko, yung magkausap kami,” lahad niya.

Hindi raw kasi mahilig sa mga regalo ang nanay niya.

“Kasi yung mga regalo ko, parang walang masyadong bearing sa kanya. Minsan pag may binibigay ako sa kanya, sasabihin niya, ‘Huwag na yan, hindi ko naman kailangan yan, ayoko niyan.’

“Pag tinanong ko, ‘Ano bang gusto mo?’ ‘Iisipin ko na lang, tsaka na.’ Tapos pag naisip niya naman kahit walang okasyon, sasabihin niya, ‘Ay anak, parang gusto ko yung ganito. Ganun lang po,” sey pa ni Vice.

Every now and then ay sinisigurado rin ni Vice na nakakausap niya ang ina.

“I’ll make sure na nakakusap ko siya kahit through viber or phone calls. Kasi papatayin ako ng konsensiya ko na mayroon akong nakausap na nanay nung araw na yun sa Showtime tapos hindi ko siya nakausap. Kasi pinapanood niya ako araw-araw, nagseselos siya na ‘Buti pa yung nanay, niyakap mo, ako anak hindi kita mayakap.’

“Namamatay po ako pag ginaganun ako ng nanay ko. Hindi makakaya ng kalooban ko,” kuwento pa ni Vice.