• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo, Yassi Pressman, Piolo Pascual give messages to their moms

Sarah Geronimo, Yassi Pressman, Piolo Pascual give messages to their moms

Sarah Geronimo, Yassi Pressman, Piolo Pascual reveal the lessons they’ve learned from their mothers.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/13/2017 9:56 AM
Sarah Geronimo, Yassi Pressman, Piolo Pascual give messages to their moms


051317-Greetings_PUSH.jpgAng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, na nagkaroon man ng maraming tampuhan at di pagkakaintindihan sa kanyang ina na kilala sa showbiz bilang si Mommy pine, ay tinatanaw pa rin ang marami niyang natutunan na kanyang dadalhin habang buhay.


"Mga natutunan ko kay mama, yung pagiging selfless din siguro at yung pagmamahalan, paggalang sa mga nakatatanda. Siyempre walang perpekto pong pamilya pero regardless kung ano man ang naging pagkukulang or pagkakamali ng isa’t isa, importante pa din na ibuklod mo yung pamilya kasi pamilya kayo,” pahayag ni Sarah.

Ang FPJ’s Ang Probinsyano leading lady naman na si Yassi Pressman, naging OFW sa Hong Kong ang kanyang ina na si Belcy Dalloran Yasto sa matagal na panahon upang masuportahan ang kanilang pamilya.

“Mayroon mga bagay na kailangan i-sacrifice for the family my mom was an OFW for a very long time ginawa nya yun para sa amin, sacrifice,” kuwento pa ni Yassi.

Alaga naman sa pangaral at guidance si Piolo Pascual sa kanyang nanay na si Amelia Nonato Pascual. Kuwento ni Piolo, hindi ito nagkulang sa paggabay sa kanya mula simula ng kanyang pag-aartista hanggang ngayon.



“Dahil sa support ng pamilya ko sa support ng mommy ko kung nasaan man ako ngayon thats because they’ve always been, there they’ve always been around. I’m grounded, I’m level-headed at hindi ako nakakalimot,” sabi pa ni Piolo.

Tulad nina Sarah, Yassi at Piolo, ang pagbibigay saludo sa ating mga nanay ngayong Mother's Day ay isa lamang sa maraming paraan ng pagsabi na mahal na mahal natin sila.