• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Earth 2014 Jamie Herrel talks about the qualities of a girl they are looking for

Miss Earth 2014 Jamie Herrel talks about the qualities of a girl they are looking for

Miss Earth 2014 Jamie Herrel reveals what they are looking for in the next Miss Earth.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/13/2017 9:48 AM
Miss Earth 2014 Jamie Herrel talks about the qualities of a girl they are looking for


051317-JamieHerrel_PUSH.jpgTuloy-tuloy pa din sa pag tulong sa pagsulong ng turismo ng bansa ngayon si 2014 Miss Earth Jamie Herrel sa kanyang sariling pamamaraan bilang isa sa mga advocate ng Islas 7107 slippers.

Sa tulong ng mga taong nagtiwala sa kakayahan ni Jamie, naisakatuparan niya na maumpisahan ang kanyang proyekto sa pagdidisenyo ng tsinelas ng mga sikat na tanawin sa Pilipinas.

Kuwento ni Jamie, hindi niya akalain maitutuloy pa din niya ang kanyang adbokasiya pagkatapos ng kanyang reign bilang Miss Earth kahit tatlong taon ang nakalipas.

"Life is very busy still doing very well better from what I expected. Actually when my reign ended as Miss Earth, I was actually about to tell to myself 'is this the end of my life?' But after the whole thing, everything turns best and I'm happy that I'm still working." 

Bukod sa kanyang tsinelas project, tutok din ngayon si Jamie sa nalalapit na search para sa susunod na Miss Earth Philippines na nakatakda ng magumpisa sa mga susunod na buwan.

"We’re looking for someone who is beautiful. Let's admit it's a pageant you have to be beautiful to win. (Laughs) But the main thing we are looking for a woman is someone who is smart that can be an ambassadress for the environment because she will be talking in front of many people who are talking about different and important discussion regarding the environment."

Dagdag pa ni Jamie, bukod sa kagandahan at talino, kinakailangan din ang pagiging determinado.

"We are also looking for someone who has passion because even though a person is smart and beautiful, at the end of the day if the passion will not reflect with her towards other people, then no one will listen," pahayag pa ni Jamie.