• Home
  • Fresh Scoops
  • Sancho delas Alas hopes mom Ai-Ai delas Alas can have more kids

Sancho delas Alas hopes mom Ai-Ai delas Alas can have more kids

Sancho delas Alas approves of his mom Ai-Ai delas Alas getting married next year.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/12/2017 10:57 AM
Sancho delas Alas hopes mom Ai-Ai delas Alas can have more kids


051217-SanchoDewlasAlas_PUSH.jpgAprubado para sa panganay na anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sancho delas Alas ang pagpapakasal ng ina sa boyfriend nitong si Gerald Sibayan sa susunod na taon.

“Gusto ko naman na magkaroon ng partner si mama kaya laban lang. As in, sobra akong masaya for them and I’m excited,” simulang pahayag ni Sancho sa PUSH.

Dumalo si Sancho sa red carpet premiere ng pelikulang Our Mighty Yaya na pinagbibidahan ng nanay niya para ipakita ang suporta. Don din siya nakausap ng PUSH.

Patuloy pa ng binata, “Saka, sobrang dami na ng pinagdaanan ni mama—different kinds of relationship, daming sacrifices, na ako bilang panganay, nasubaybayan ko kasi yon. Yung heart aches and everything, yung hirap ni mama, kasi siyempre, siya lang mag-isa yung nagpalaki sa amin, eh.

“Kumbaga, deserve niya yung maging happy. Deserve niyang makasal. Deserve niyang magkaroon ng partner in life, yung makakasama niya hanggang sa tumanda siya. Ayokong bitawan niya yon, eh.”

Hindi rin daw sa lahat ng panahon ay nandiyan silang magkakapatid para sa ina lalo na kapag nagkaroon na rin sila ng pamilya kaya mas magandang may kasama na si Ai-Ai.

“Kaming mga anak niya, nandiyan kami for her, pero darating din yung time na magkakaroon din kami ng sariling family. Nando’n pa rin naman kami para kay mama, pero siyempre iba pa rin yung meron kang kasama mo, nakakausap mo, nasasabihan mo ng lahat-lahat,” sabi pa ni Sancho.

Umaasa din si Sancho na sana ay makabuo rin ng bagong pamilya sina Ai-Ai at Gerald at magkaroon ng anak.

“Ako yung isa sa nagbigay ng idea kay mama to push through with it (magkaanak). Not necessarily mag-invitro (IVF), gusto ko kasi na meron din silang sariling baby.

“Kumbaga, habang kaya pa, hangga’t mas maaga if kaya pang magkaroon ng baby, go lang. Siyempre, ayoko namang magkaroon pa ng complications…

“Siyempre, sa ngayon, madali lang sabihin na okey lang na wala pang baby pero darating kasi yung time na (hahanapin din nila yon),” paliwanag niya.

Kaya pa naman daw magdalang-tao ng nanay niya.

“Recently nga, napag-usapan namin yon. Sabi po kasi ng doctor, kaya pa naman… hopefully.

“Before kasi, nagpa-lipo na si mama, so yung mga previous operations lang, tinanong namin baka sakaling meron bang complications with that, pero parang wala naman daw po,” balita niya.

Eh, how about prenuptials agreement?

“Wala!” mabilis niyang sagot. “It’s up to mama kung mag-prenup man or whatever, sila na ang bahala do’n.

“Kumbaga, kami, kung ano man ang magiging desisyon ni mama, go lang. Wala naman kaming masyadong ano do’n,” pagtatapos ni Sancho.