• Home
  • Fresh Scoops
  • Robi Domingo sinabing wag idawit si Sandara Park sa break up nila ni Gretchen Ho

Robi Domingo sinabing wag idawit si Sandara Park sa break up nila ni Gretchen Ho

Robi Domingo makakatrabaho muli ang ex-girlfriend na si Gretchen Ho.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/12/2017 9:10 PM
Robi Domingo sinabing wag idawit si Sandara Park sa break up nila ni Gretchen Ho


051217-RobiDomingo_PUSH.jpgSa TV Patrol, balik ang working relationship ng ex-couple na sina Robi Domingo at Gretchen Ho sa pag-host nila ng season two ng ?University Town.?

Ani Gretchen, ?Napag-usapan naman namin na itutuloy namin yung show. Work is work e.? Si Robi naman, ?Nung una, it was a big factor for me. Hindi ako magsisinungaling about that one kasi siyempre andiyan pa rin yung connection. Andiyan yung awkwardnes. Hindi naman mawawala yung pinagsamahan namin.?

Nakiusap rin si Robi na tigilan na ang pagdawit kay Sandara Park sa issue ng hiwalayan nila ni Gretchen. ?She doesn?t deserve all the noise she?s getting.

Lalo na sa pagdadawit sa amin ni Gretch kasi wala naman talaga siya dun sa eksena. So just please stop it kasi nahihiya na po ako sa kanya.? May pag-asa pa kayang magkabalikan sina Robi at Gretch? ?Personally, nasa limbo pa rin ako e. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko ngayon sa personal life ko. I am in love, I am in love with my work," pagtatapos ni Robi.