• Home
  • Fresh Scoops
  • Precious Lara Quiagaman gives advice to Mariel De Leon on how to handle bashers

Precious Lara Quiagaman gives advice to Mariel De Leon on how to handle bashers

Precious Lara Quiagaman believes Mariel De Leon has what it takes to bag the Miss International crown.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/12/2017 10:33 AM
Precious Lara Quiagaman gives advice to Mariel De Leon on how to handle bashers


051217-LaraQuigaman_PUSH.jpgMalaki ang nakikitang pag-asa ngayon ni 2005 Miss International Precious Lara Quiagaman para kay 2017 Binibining Pilipinas International Mariel De Leon.

Sa naganap na Mother's Day event na dinaluhan ng mga beauty queen moms, inihayag ni Lara ang kanyang paghanga para sa mga bagong batch ng Binibini queens.

"Sobrang galing. Actually nung nakita ko nga yung mga candidates as always ko sinasabi na magaganda na talaga and pang International na agad ang mga level. Parang lagi ng ready to compete hindi lang pang Binibining Pilipinas," panimula ni Precious.

Positibo naman si Lara na posible ang back-to-back win ng Pilipinas sa International dahil sa personal na katangian ng mga beauty queens.

"This batch ang laki ng hope ko na si Mariel De Leon (Bb Pilipinas International) ay mag back-to-back with Kylie Verzosa and also Rachel Peters nakita ko yung body niya perfect na talaga for Miss Universe."

Bilang isa sa mga nag-uwi ng karangalan sa bansa bilang Miss International, bukas din si Lara kung sakaling kailanganin ni Mariel ang kanyang mga advice.

"Be humble enough to ask for advice from past International queens and at the same time kapag nanghingi ka ng advice you put to heart and you will see if that will work for you. With body and face ready na siguro siya e, enjoy nalang talaga niya ang experience," sabi pa ni Lara.

Base naman sa performance ni Mariel tiwala din daw siya sa mga katangian na naipakita nito noong coronation night.

Bukod dito nagbigay advice din si Lara kay Mariel lalo ngayong paborito ngayon ang beauty queen ng mga bashers sa social media.

"You don't listen to them kasi noong time ko forums pa noon so I read through a lot. Pero pag alam ko naman na hindi totoo, hindi sasama ang loob ko. So kahit na bina-bash nila ako tinitignan ko pa din kasi baka totoo nman yung sinabi nila. You listen to them but you don't take it to heart, if you see there's something you can do and improve on it, and then take that," pagtatapos nitong pahayag.