Lee Min Ho ‘absent’ sa showbiz ng 2 taon

Inumpisahan na officially ni Lee Min Ho ang kanyang military service kahapon, May 12.

BY ANN MANHIT

FRESH SCOOPS

5/13/2017 12:48 AM
Lee Min Ho ‘absent’ sa showbiz ng 2 taon


051217-LeeMinHo_PUSH.jpgMami-miss panigurado ng kanyang mga fans si Lee Min Ho dahil kahapon May 12, ay official na siyang maglilingkod sa military sa South Korea bilang isang public service worker.

Mandated sa lahat ng male South Koreans ng kanilang pamahalaan na magsilbi sa kanilang military kaya’t pansamantalang mawawala si Lee Min Ho sa showbiz ng dalawang taon.

Isang taon siyang magsisilbi na public service worker dahil sa injuries na kanyang tinamo noong 2006 sa isang car accident at sa isa pang pangyayari nang siya ay nagte-taping para sa TV series na City Hunter noong taong 2011. Sa susunod na taon pa siya ma-assign sa army para sa basic military training.

Sa ngayon mapapanood pa din si Lee Min Ho sa ABS-CBN sa kanyang huling serye na Legend of the Blue Sea.





051217-leepic.jpg