• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaya on the late Elizabeth Ramsey: ‘I miss her laughter. I miss her inaaway ako’

Jaya on the late Elizabeth Ramsey: ‘I miss her laughter. I miss her inaaway ako’

Jaya reveals what she misses about her mom, the late Elizabeth Ramsey.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/12/2017 10:00 AM
Jaya on the late Elizabeth Ramsey: ‘I miss her laughter. I miss her inaaway ako’


051217-Jaya_PUSH.jpgSa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Jaya kung ano ang namimiss niya sa yumaong ina na si Elizabeth Ramsey. “I miss her voice. I miss her laughter. I miss her inaaway ako. I miss the fact that she cares about me and loves me a lot. I miss [it] when she comes to my house and goes straight to my bedroom and knocks and wakes us up. Kasi gusto daw niyang makita yung Sabria niya, the curly-haired apo. I miss her on stage.”

Ano naman kaya ang biggest lesson na natutunan ni Jaya sa ina? Ani Jaya, “Laking hirap ang nanay ko and she always says wag lalaki ang ulo wag kalimutan kung saan ka galing. Kailangan yung akala mong sikat ka, wag kang maniwala ‘day. Kasi lahat ng sumisikat mararamdaman uli yung sahig at pag naramdaman mo yung sahig kailangan alam mo uli kung paano ang pagkain diyan, paanong mahiga diyan, papanong lumubog diyan.”

Grateful naman si Jaya dahil malaki diumano ang tiwala sa kanya ni Elizabeth. “but she always had faith in me. Out of all her kids, ako talaga ang na-push niya. Ako ang nakitaan niya ng potential and that’s why I would have to say she was my mentor.”