• Home
  • Fresh Scoops
  • Past Binibining Pilipinas winners reveal the challenges of motherhood

Past Binibining Pilipinas winners reveal the challenges of motherhood

Former Binibining Pilipinas beauty queens talk about how motherhood has changed them.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/11/2017 9:26 AM
Past Binibining Pilipinas winners reveal the challenges of motherhood


051117-BeautyQueens_PUSH.jpgNagsama-sama ang iilang past Binibining Pilipinas beauty queens na mommies na ngayon sa isang makabuluhang charity work para sa mga nanay.

Kasama ang mga estudyante ng Philippine National School for the Blind at ang kanilang pamilya, ipinaramdam nila ang kahalagahan ng Mother's Day.

Sa pamumuno ni Binibining Pilipinas World 2003 at Miss World Finalist Maria Rafaela Yunon, nagkaroon sila ng iilang palaro para sa mga pamilyang sumali sa event.

"Together with these families from Philippine National School for the Blind, mag [sho-]showcase sila ng game na kahit di mo nakikita ang nanay mo, the smell, the touch, alam mo na sila iyan,” ani ni Mafae.

Kasama din sa advocacy work na ito ang kapwa mga beauty queens na sina Karen Agustin-Ostrea na Binibining Pilipinas Universe 2002 at Precious Lara Quigaman- Alcaraz na Miss International 2005.

Kuwento ng mga mommies, daig pa daw nila ang may suot na korona sa feeling at kasiyahan ngayong mga nanay na sila.

"It feels good because out of the 364 days that you serve your children, this is one day na I feel na they're making an effort and they are extra malambing to me."

Bukod dito challenge din para sa sa beauty queen moms ang pagpapalaki ng maayos ang kanilang mga anak.

"I think ang malaking challenge para sa mga nanay is to keep yung mga morality ng kanilang mga anak lalo na ngayon na napakadami ng exposure sa kamunduhan. And kami ng husband ko, we are trying our best to keep the Christian values to our kids," ani pa ni Karen.

Pamilya at anak na ang kanilang priority at kung paano mag-improve ng sarili bilang isang ina, lalo na para kay Precious Lara.

"It's a good thing kasi lahat ng mga beauty queen friends ko are all mommies na so mas nag kakaintindihan kami and marami kami mga na i-share na mga bagay bagay na similar sa bawat isa."

Dagdag pa ni Precious, bilang isang mommy ramdam niya ang essence ng Mother's Day sa mga simpleng saya na naibibigay sa kanya ng kanyang anak.

"Ramdam talaga ng mga mommies kung gaano talaga sila ka appreciated. Before parang bale wala lang, pero nung naging mommy ako doon ko nakita na simple hug lang pala and simple thank you ay napakalaking bagay na para sa mga mommies," pahayag pa nito.