• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai delas Alas says she did not expect to win at the Asean International Film Festival Awards.

Ai-Ai delas Alas admits she’s more conscious of her acting after winning international best actress

Ai-Ai delas Alas says she did not expect to win at the Asean International Film Festival Awards.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/11/2017 09:48 AM
Ai-Ai delas Alas admits she’s more conscious of her acting after winning international best actress

051117-AiAiDelasAlas1_PUSH.jpgAyon kay Ai-Ai delas Alas ay okey na rin daw kahit hindi siya nakapunta ng Malaysia para tanggapin ang trophy niya as best actress winner sa Third Asean International Film Festival Awards (AIFFA) 2017 para sa pelikulang Area ng BG Productions International.

“Okey lang ‘yun, kasi ‘pag pumupunta naman ako, hindi ako nananalo,” natatawa niyang reaksyon nang makausap siya ng PUSH sa dinner party ng Our Mighty Yaya cast pagkatapos ng red carpet premiere nito last Monday, May 8.

Hindi rin daw kasi niya ini-expect na mananalo siya sa Malaysia.


“Kasi, akala ko, may time difference (sa atin at sa Malaysia). Sabi ko, ‘10 (ng gabi) na, wala pang nagte-text, eh, siguro talo ako.’ Tapos, ‘yun pala 10:30 (ia-announce),” kwento ng Our Mighty Yaya lead star.

Patuloy pa ni Ai-Ai, “Ayokong mag-expect kasi siyempre, pag hindi ka nanalo, kahit paano, masakit pa rin ‘yun. Kaya huwag ka na lang mag-expect. ‘Yung ma-nominate ka, okay na ‘yun sa akin,” sey pa niya.

Nagpasalamat naman si Ai-Ai sa sunud-sunod na magagandang nangyayari sa buhay ngayon.

“God is good. Praise God every time. Sabi ko sa kanya, ‘thank you, Lord, salamat sa lahat ng biyayang ibinibigay Mo sa akin, lahat. Lahat, ibinalik Mo sa akin. Thank you, Lord.’

“Siguro, mayroon akong ginagawang maganda and siguro rin, magaang kasama si Gerald (Sibayan, her fiancée). Merong ganu’n eh. Merong magaan, swerte. At saka, wala naman akong sinagasaang tao, so I think, positive lahat,” pahayag ng Comedy Queen.

Ipinagpasalamat din ni Ai-Ai na muling tinangkilik ng mga manonood ang kanyang Our Mighty Yaya na showing na ngayon mula sa Regal Entertainment at sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Aniya, “Naiyak ako, saka maganda siya. Hindi siya pinipilit magpatawa, eh. Hindi ka rin niya pinipilit umiyak.

“Parang normal na mararamdaman mo na, ‘ay, nakakaiyak, ay nakakatawa,’ ‘yung ganu’n. Hindi hard sell.”

Tinanong na rin namin si Ai-Ai sa espekulasyon ng pagbalik niya sa ABS-CBN since nag-guest nga siya sa Tonight With Boy Abunda.

“Ay hindi, promo ko lang ‘yun, pinayagan ako ng ABS-CBN na mag-guest, pinayagan din ako ng GMA-7.”

Pero posible ba ang pagbalik niya sa Kapamilya network?

“Wala pa naman. Ayoko pang magsalita ng ano (tapos), hindi ko pa naman alam, eh. Siguro later on pag ano. Bahala na si Boy (Abunda),” sagot ng komedyana.

Inamin din ng Comedy Queen na dahil sa mga acting awards na natatanggap niya ay hindi raw maiwasang maging conscious siya pagdating sa pag-arte.

“Dati pa naman akong conscious sa pag-arte. Talagang pinipili ko yung mga projects na ginagawa ko hindi yung basta tira lang nang tira.

“Kailangan may proper timing, saka si Boy (Abunda) naman ang nagdedesisyon. Kumbaga, pinipili at mas iniingatan,” pagtatapos ni Ai-Ai.