Sandara Park, parang kapatid ang tingin kay G-Dragon

Sinabi ng K-pop star na hindi talaga uso ang love team sa Korea.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/10/2017 12:02 PM
Sandara Park, parang kapatid ang tingin kay G-Dragon


051017-SandaraPark_PUSH.jpgNakaalis na ulit ng Pilipinas ang K-Pop superstar na si Sandara Park pagkatapos niyang i-promote ang pelikulang One Step na nagsimulang ipinalabas ngayon, May 10.

Ngayon ay nagso-solo muna si Sandara pagkatapos ma-disband ng kanilang grupong 2NE1. Ayon kay Sandara, nalungkot at na-depress siya sa pagdi-disband ng all-girl group niya sa South Korea.

“Parang family ko na kasi sila, ‘di ba? For 10 years and we lived together, na-experience namin ‘yung pinaka-happy moment to sad moment,” kuwento ni Dara sa PUSH.

Nang tanungin kung ano ba talaga ang dahilan nang pagkakabuwag ng 2NE1, walang masyadong masabi si Sandarda.

“’Di ko talaga alam, eh. Pero hindi kaya ito ‘yung destiny namin? And then, we can be together again someday.

“Kasi ‘yon ‘yung uso ngayon sa Korea, ‘yung mga 90s, ‘yung mga grupo na na-disband (nagre-reunite)… Tapos, reunion, ‘yun ‘yung uso ngayon,” sabi niya.

Ngayon daw ay susubukan muna nilang magsolo. Ang mga ka-grupo rin daw niya ay may sari-sarili ring ginagawa tulad ni Minzi at CL na may mga bagong solo album.

“Ito ‘yung time na parang sarili muna kami kasi we were together for 7 years, so I think, para lang, for the difference.”

When asked tungkol sa K-pop artist na si G-Dragon na leader ng Korean boy band na Big Bang, na nali-link sa kanya, nagbigay din siya ng reaksyon.

“Magkasama kasi sila kami sa YG Entertainment na nagma-manage sa amin. Siya ‘yung kasama namin sa YG and then, kilala ko na siya nung mga 2004 pa. So nakita ko na siya nun’ mga totoy-totoy pa siya,” paglilinaw niya.

Ayon pa sa dalaga, hindi rin daw niya alam kung bakit parang pinagpe-pair sila ng mga fans.

“Hindi ko alam. Kasi sa Korea, walang love team-love team. Hindi yon uso don. So parang, they don’t understand.

“Ako rin kasi, wala naman kaming movie or anuman na kasama. So, parang natatawa ako. Siyempre, thankful ako sa mga followers namin pero ganu’n lang talaga,” deklara niya.

Hirit pa ni Dara, parang kapatid lang din daw ang tingin niya kay G-Dragon.

Samantala, loveless daw siya ngayon but at the same time, waiting din diya na dumating na ang tamang guy for her.

“Siyempre, kung meron diyang prince charming na talagang let’s say, “whoah, siya talaga ‘yung crush ko”, siyempre, pwedeng maging boyfriend.”

Type naman ni Sandara ang mga lalaking katulad din ang interests.

“Like sa music, cats, fashion, ganyan. Para mayroon kaming pag-usapan,” pagtatapos niya.