• Home
  • Fresh Scoops
  • The 2017 MMFF Executive committee brings back the commercial appeal criterion for judging.

2017 MMFF reveals schedule and guidelines; 24 producers express interest in joining

The 2017 MMFF Executive committee brings back the commercial appeal criterion for judging.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/10/2017 09:50 AM
2017 MMFF reveals schedule and guidelines; 24 producers express interest in joining

050917-MMFF_PUSH.jpgSa press conference na ipinatawag ng Executive Committee ng 2017 Metro Manila Film Festival, inilatag nila sa media ang calendar of activities ng inaabangang pista ng pelikula na nagaganap sa araw ng kapaskuhan hanggang unang linggo ng Enero.

Narito ang mga petsa na mahalaga sa MMFF 2017:

May 10 - deadline for submission of letter of intent
October 2 (for early bird) and October 30 - deadline of submission of finished film entries and other required documents
October 3 to 16 - deliberation of salection committee
November 17 - announcement of the official finished films
December 1 - submission of 500 thousand cash bond; submission of MTRCB rating
December 20 to 22 - board of jurors screening of finished product
December 23 - Parade of Stars
December 25 to Jan 7 - showing of official MMFF entries
December 27 - Awards Night


Sa main feature film category, hindi ito dapat lalagpas sa running time na 150 minutes o dalawang oras at kalahati

CRITERIA FOR THE SELECTION OF OFFICIAL ENTRIES:
40% artistic excellence
40% commercial appeal
10% Filipino cultural and/or historical values
10% global appeal

Inaasahan na mas magiging masigla ang 2017 MMFF dahil sa itinaas na muli ang commercial appeal ng hinahanap na eight official entries.

Sa paghaharap ng 2017 Metro Manila Film Festival Executive Committee at mga film producers last May 9 sa tanggapan ng Metro Manila Develipment Authority sa Makati, nabanggit ang mga pagbabago na ito.

Dalawang pelikula per genre na lamang ang tatanggapin sa magic 8. Halimbawang may dalawang horror films na ang pumasok, hindi na tatanggapin ang pangatlo. Ganito rin sa tema ng drama, action at fantasy.

One star, one starring role sa magic eight entries. Pero kung supporting role lamang ang artista sa second movie ay tatanggapin pa rin.

Nagpahayag na ng positive reaction at plano ng pagsali sa festival ang mga pelikulang Ang Panday 2017 ni Coco Martin at Citizen Jake kung saan bida si Atom Araullio at pagbabalik pelikula ng magaling na film director na si Mike De Leon.

Ito rin ang unang pagkakataon na magpo-produce, direct, at bibida sa isang pelikula si Coco sa history ng kanyang career kaya’t excited ang lahat sa bagong version na gagawin niya sa obra ng komiks king na si Carlo J. Caparas.

Plano rin mag-submit ng entries ng mga film companies gaya ng Star Cinema; Regal Entertainment; Viva Entertainment; CineKo Productions; TBA Productions; Reality Entertainment; Quantum Films; TRex Films at iba pang movie producers.