Raquel Pempengco defends daughter Charice

"Si Charice, nakatatak na ang pangalan na nagbigay karangalan sa bansang Pilipinas para sabihan na laos," Raquel said.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/1/2017 4:43 PM
Raquel Pempengco defends daughter Charice


050117-Racquel_PUSH.jpgKahit maraming 'di pagkakaunawaan ang mag-inang Raquel at Charice Pempengco, to the rescue pa rin si Raquel bilang ina lalo na ngayon na may pinagdadaanang issue si Charice sa kanyang lovelife. All capital letters ang naging Facebook status nito at halatang 'di maitago ang bugso ng damdamin para sa bashers ng anak.

050117-Raquel1_PUSH.jpg

"Sa lahat  po ng sumusubaybay sa anak kong si Charice... huwag naman ninyo masyadong husgahan ang anak ko ayon lang sa nakikita nyo. Laos, purdoy, at nakikitira. Mga haka-haka lamang pero walang kasiguraduhan. Si Charice eh nakatatak na ang pangalan na nagbigay karangalan sa bansang Pilipinas para sabihan na laos."

Ipinagtanggol din ni Raquel ang mga naging desisyon ng anak sa career path na napili nito at sinabing hindi pa rin nawawala ang talento ni Charice na magbigay karangalan sa bansa.

"Kung ‘di man po siya lumalabas sa entablado yun eh sariling choices nya. Minsan na ring ibinigay sa atin ang kasiyahan bilang isang mahusay na mang aawit ‘di lamang dito kundi sa ibang bansa. Kaya bigyan naman po natin siya ng chance para pagbigyan naman kung ano ang gusto niya sa kanyang pag awit."

Nagbahagi rin ng mensahe si Raquel para sa anak. 

"Respeto lamang po bilang pag respeto ng ibang lahi sa kanya… Sa katunayan niyan dinalaw ko siya sa bahay nya, buti pinapasok ako ng guard, nadatnan ko lang ang mga alaga kong si Chacoy at Yeye… Sayo Charice basta lagi mong tandaan na andito lang ako in case na kailangan mo ko... Maraming salamat po," pagtatapos nito.