• Home
  • Fresh Scoops
  • Francis Libiran and Christian Mark Jacobs share plans about adopting a baby girl

Francis Libiran and Christian Mark Jacobs share plans about adopting a baby girl

Francis Libiran and Christian Mark Jacobs say they don’t listen to criticisms about their wedding.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/9/2017 8:57 AM
Francis Libiran and Christian Mark Jacobs share plans about adopting a baby girl


040817-FrancisLibiran-from-pushalert.jpgDinaluhan ng malalapit na kaibigan, kapamilya, at iba't ibang personalidad ang naging Manila reception ng bagong kasal ng sikat na fashion designer na si Francis Libiran at ang kanyang foreign partner na si Christian Mark Jacobs. Nagkaroon na sila ng beach wedding ceremony sa Boracay.

Masaya ang couple dahil naisakatuparan nila ang kanilang beach wedding na dati ay pangarap lang para sa kanila.

"It was a fantasy wedding for the two of us," kuwento ni Christian.

"Siyempre nakaka-overwhelm that day. Napakabilis pero napakasaya, everything happened so fast," sabi pa ni Francis.

Kuwento pa ni Christian, espesyal ang Boracay sa kanilang puso dahil dito sila una nagpunta ni Francis noong hindi pa sila ikinakasal.

"Boracay is a very special that's the first place we traveled together," ani pa ni Christian.

Dahil kasal na sila, naibahagi din ni Francis at Christian ang kanilang mga plano bilang mag-asawa. Ani ni Francis, nakaprepara na sila para magsama at manirahan sa isang bahay.

"As of now, we are preparing to move in sa isang bahay, and slowly after two years baby girl naman.” Why a baby girl, an gaming nagging tanong? "Sarap bihisan e," natatawang sagot ni Francis.

Bukod dito, aminado si Francis na mas inspired siya ngayon sa kanyang trabaho at craft bilang fashion designer.

"Masarap sa feeling na you go home na someone's waiting for you. Alam mo yung after a long day andyan siya sa ‘yo to support you all the time," masayang kuwento ni Francis.

Malaking adjustment din para kay Christian ang kanilang pag iisang dibdib ni Francis lalo na ngayon na mag-stay na siya ngayon sa Pilipinas.

"I think for me it's very comforting because we've been going back and forth for two and half years just to see each other at least. So now it's finally to be together in a same place and we're living in one roof."

Samantala, deadma naman si Francis sa mga hate comments na kanyang nababasa sa kanyang social media accounts. Aniya hindi niya kailangan na i-please ang mga tao para sa kanilang kaligayahan.

"We're not really affected. We just read it for our entertainment, but we really don't dwell on it as long as our bond is strong and it is showing the whole world, the love that we have for each other and their comments doesn't really matter to us any more," pagtatapos na pahayag ni Francis.