• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Janella Salvador defends Elmo Magalona from detractors

EXCLUSIVE: Janella Salvador defends Elmo Magalona from detractors

Janella Salvador describes Elmo Salvador as a sweet and funny person

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/9/2017 8:59 AM
EXCLUSIVE: Janella Salvador defends Elmo Magalona from detractors


040817-Janella_PUSH.jpgNagbigay ng reaksyon si Janella Salvador sa sinasabi ng iba na siya lang ang nagdadala sa love team nila ni Elmo Magalona na nagsimula sa seryeng Born For You at muling mapapanood sa pelikulang My Fairytail Love Story at Bloody Crayons at sa panibagong teleserye project na Kung Kailangan Mo Ako.

Marami kasi ang nakapansin na ‘di hamak na mas mahusay umarte si Janella kumpara kay Elmo.

“Ayoko namang isipin na ganu’n. Kasi as a love team, nagtutulungan naman kami at ako tinutulungan ko rin naman siya and he, himself, he’s trying his best talaga.

“So, gagalingan talaga niya sa next teleserye namin. Hindi naman siya yung tamad na ano, na bahala na, talagang nagta-try naman siya, in fairness,” reaksyon ng OPM Pop Sweetheart.

Naibahagi din ni Janella na malaki ang tiwala ng mommy niya (Jeninde Disederio) kay Elmo.

“Actually, natutuwa ako kasi my mom and Elmo, close na sila ngayon. Like sometimes, si Elmo nagha-hangout sa house namin. Nagpi-prepare yung mom ko ng… basta nagha-hangout lang talaga kami with my mom din.

“Tapos minsan nagchu-church kami together. Yon naman yung maganda,” kuwento pa niya.

Eh, paano ba niya ide-describe si Elmo in a romantic way.

“Parang ang hirap naman niyan. Actually, I wish many people would see that he is very funny. I really enjoy (his company) and napaka-sweet niyang tao. Sweet talaga siya, hindi lang halata.”

Patuloy pa ng dalaga, “Nag-post siya on my birthday, I didn’t expect him to post something like that kasi usually naman hindi siya ganu’n, hindi siya nagpo-post nang mahaba, so natuwa naman ako na nag-post siya ng message for me sa Instagram niya.

“Basta he’s sweet and he’s going to find out what you like talaga and he’s try to give it to you. Thoughtful siya at mahilig magbigay ng gift,” deskripsyon niya kay Elmo.

Hindi pa naman daw nanliligaw sa kanya si Elmo at wala pa raw sila sa ganu’ng level.

Ano ba ang criteria niya sa pagpili ng perfect guy na magiging boyfriend niya?

“Ako, feeling ko naman, you have to have your own standards talaga. You shouldn’t settle for anything less than that because the right guy will make pantay to your standards talaga.”

Si Elmo na ba yon?

“Well, hindi ko pa alam,” natatawang pagtatapos ni Janella.