• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Assunta De Rossi admits she is not after lead roles anymore

EXCLUSIVE: Assunta De Rossi admits she is not after lead roles anymore

The actress says she has accepted that her popularity has waned.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/10/2017 1:11 AM
EXCLUSIVE: Assunta De Rossi admits she is not after lead roles anymore


041017-AssuntaDeRossi_PUSH.jpgTanggap ni Assunta de Rossi na lumipas na ang kanyang kasikatan bilang aktres simula nung nag-asawa siya at nagkaedad.

“Siguro masaya pag bata ka, pero siyempre kapag nagrereklamo na ang katawan mo, parang ano ‘di ba? Ang dami kong nakakasamang mga bagets and when I see them, na halos hindi na sila natutulog, sinasabi  ko, ‘enjoy n’yo lang yan, ganyan din ako nung bata ako.’

“Pero totoo naman, feeling ko talaga noon super woman ako. Pero pagka nag-i-age ka na, wala, eh, ganun talaga. You cannot stop it. Yung katawan mo na rin kasi ang nagrereklamo na. Even if your brain says na kaya pa, yung katawan mo naman… nagma-manifest na kasi, eh,” kuwento ng magaling na aktres.

 Ang pelikulang “Higanti” na katatapos lang ipalabas ang masasabing movie comeback ni Assunta after 16 years.

Hindi na ba siya nae-excite gumawa ng pelikula?

“Hindi naman sa walang excitement. Nakaka-miss din, but siguro, ano… sabihin na lang natin na hindi kasi ako mapilit  na tao. Kasi other people would do anything to stay here, ako kasi hindi,” rason pa niya.

Hindi na rin daw niya iniisip na magbida ulit sa pelikula.

“Oo naman. Tsaka yon nga, parang panahon na ng mga bata ngayon. I think, mas maraming maiinis kung pinipilit ko pa rin (magbida) ‘di ba? And okay lang naman kasi iba na rin naman yung gusto kong gawin, eh,” sabi pa niya.

Ano na ba ang mga gusto niyang gawin ngayon?

“Gusto kong ayusin yung magiging bahay namin. I can’t do that kung hindi ako laging available. Bagong gawa kasi yung condo namin at magha-hire pa kami ng interior designer.

“Yung condo namin ngayon, para na kaming sardinas kaya we have to transfer to a bigger place sa Makati. Pero hindi naman namin ibibenta yung dating condo sa Ortigas.”

Ayon pa sa kuwento ni Assunta, io-occupy nila ang buong 55th floor ng isang posh condo sa Makati.

“Kasi kailangan talaga namin ng space talaga. Yon talaga ang pinakaunang concern namin kasi ayaw naming mag-house and lot dito, sa province na lang. Tsaka ayoko din kasi ang hirap mag-maintain. Kung maliit lang yung bahay, okey lang. But if it’s a mansion, ayoko.”

Samantala, anak na lang ang kulang kay Assunta para maging kumpleto na ang kanyang pamilya. Patuloy niya raw itong  ipinagdarasal at gagawin daw nila ang lahat ng paraan para magkaroon sila ng baby.