• Home
  • Fresh Scoops
  • Binibining Pilipinas candidates compete in talent competition

Binibining Pilipinas candidates compete in talent competition

Thirteen out of 40 candidates compete in talent competition of Binibining Pilipinas.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/9/2017 8:58 AM
Binibining Pilipinas candidates compete in talent competition


040817-BBPilipinas_PUSH.jpgThirteen out of 40 candidates ang sumali sa 2017 Binibining Pilipinas annual talent competition na naganap noong April 8 sa activity area ng Ali Mall, Araneta Center, Cubao.

Gaya ng inaasahan, singing, declamation, contemporary and ballet dance, at speed painting ang mga talento na ipinakita ng mga kandidata na pinalakpakan naman ng kanilang followers at media na nanood sa event.

Ang mga naging panel of judges sa event ay sina ABS-CBN Creative Head Chit Guerrero, ABS-CBN Creative Director Chris Violago, Raymond Saldana, shoe maker Jojo Bragais, Joy Charlton, and BPCI Chairperson Stella Marquez Araneta.

Ang former beauty queen na si Patricia Fernandez ang naging host ng event at ang Best In Talent ay ihahayag sa coronation night ng 2017 Binibining Pilipinas na magaganap sa April 30.

Natapos ang talent competition ng kantahan ng 2013 The Voice of the Philippines contender na si RJ dela Fuente ang 40 candidates ng pageant search.